Updated: Nob 14, 2018
Isang gabi, nakikipag-usap ang Panginoon sa amin bilang isang grupo.
Siya’y aking tinanong, “Panginoon, i-anoint mo po kami at turuang manalangin katulad Mo.” Sumagot ang Panginoon, “Aking tutugunin ang aking bride.”
Ipinangako Niyang kami’y Kanyang ia-anoint sa pamamagitan ng anointing oil upang manalangin katulad Niya at tuturuan Niya rin kaming mamagitan. Dahil nasa iba’t-ibang lebel kami, sinabi ng Panginoon na indibidwal Niya kaming tuturuan sa oras ng personal na pananalangin ng bawat isa. Kanyang nabanggit na ang anointing na ito ay ibibigay at matatanggap kada yugto.
Simula noon, nagsimula ang Panginoong turuan kami kung paano manalangin pa ng mas matindi. Hindi kami eksperto sa pananalangin, sa katunayan sa paningin ng iba’y mukha kaming mahina. Nais lamang naming ibahagi ang aming natutunan. Ang bawat isa sa ami’y nakatanggap ng mga katuruan (at patuloy pa ding nakatatanggap mula sa Kanya) kung paano manalangin. Sa mga susunod na linggo, ang bawat isa sa 12 prayer warriors na natuto mula sa Panginoon ay magbabahagi kung ano ang kanilang mga natutunan patungkol sa pananalangin at naniniwala akong magiging pagpapala ito sa iyo, isang bagay na magpapabago ng iyong buhay-panalangin magpakailanman! Pakiusap, pakibahagi ito sa katawan ni Kristo.
Ngunit ang mensaheng ito ay may kasamang babala, na sa lahat ng bagay na ito, dapat mong tandaan at huwag kalilimutang ang nais ng Diyos ay ang masunod mo ang Kanyang Salita sa lahat ng paraan upang ikaw ay mamunga ng bunga ng katuwiran. Na ang panalangin ng matuwid ay malaki ang nagagawa (Santiago 5:16).
Sa mga kaloob ng Espiritu, sa napakaraming oras na inilaan sa pananalangin, ang isa’y maaari pa ring masawi! Sa pamamagitan lamang ng panalangin, kasabay ng pagsasapamuhay ng Salita ng Diyos, pagkakaroon ng bunga ng Espiritu, nang sa gayo’y maging kawangis ni Kristo. Sa pamamagitan ng bunga ng Espiritu, tiyak ka nang makakapasok ng langit. Ngunit sa isang may kawalan ng bunga ng katuwiran, kahit na mayroon pang napakarami/napakadakilang mga kaloob ng Espiritu, hindi sila makakapasok sa langit.
Mga Pangalan ng Diyos na Kanyang Inihayag sa Aming Kalagitnaan Upang Gamitin Sa Pagtawag sa Kanya
Inihayag sa amin ng Panginoon ang Kanyang sarili sa iba’t-ibang paraan. Sinabi Niya sa aming Siya’y parang isang diyamante na may iba’t-ibang aspeto. Kapag bumibisita ang Panginoon, sa bawa’t gabi’y kakaiba at lahat ng uri ng hindi pa naiisip na mga karanasan kasama Siya ang nagaganap.
May isang pagkakamaling nagagawa ang mga tao, sa kanilang kaisipan, “Ah, nakatagpo ko na ang Panginoon, ganito ang mga pangyayari at hindi na ito mag-iiba pa, kailangang ganoon palagi kapag nakakatagpo mo Siya…” at dahil dito’y nagkakasala sila sa pagkakaila ng mga karanasan ng ibang mga tao. Hindi dahil kakaiba ang karanasan at hindi kapareho ng sa kanila, hindi ibig sabihing hindi na ito totoo. Napakalaki ng Panginoon at hindi Siya kayang pagkasyahin sa isang lalagyan. Matagal na natin Siyang iniligay sa isang kahon (ang ibig sabihi’y nililimitahan natin ang paggalaw ng Diyos sa mga bagay na ating nakasanayan lamang), oras na upang bitawan natin ang kaisipang ito. Napakamakapangyarihan at napakadakila ng Diyos, ni hindi Niya na kailangan pang ulitin ang Kanyang sarili kapag Siya’y nagbigay ng rebelasyon at mga karanasan (encounters).
Isa sa mga unang bagay na ginawa sa amin ng Panginoon ay ang pagbibigay sa amin ng mga makalangit na pangalan, palayaw at palaging may mga bagong palayaw. Sa parehong pagkakataon, inihayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa amin sa napakaraming iba’t-ibang paraan at may mga pangalan kaming ginagamit upang Siya’y tawagin. Nais kong ibahagi ito dahil sa tingin ko maliliwanagan nito ang ilan sa mga bagay sa Katawan ni Kristo. Hindi na kailangang magtalo-talo pa sa mga pangalan ng Diyos, hindi na dapat tayo nagaaway-away sa mga bagay patungkol sa Kanya o sa ating pananampalataya. Ang pagtatalo ay mula sa espiritu ng pagkakabaha-bahagi at kinasusuklaman ng Panginoon ang dibisyon.
Mga Pangalan ng Diyos sa Aming Kalagitnaan:
ABBA: Noon kapag kami’y binibisita ng Panginoon, maraming pgakakataong ang tawag namin sa Kanya’y Abba, lalo na sa langit, ito ang pangalang madalas na ginagamit. Hanggang sa araw na ito, ang aming church ay gustung-gustong tinatawag siyang Abba – ang aming Ama!!!
ABBA PAPA : May mga pagkakataong binibisita kami ng Kanyang Ama at tinuro sa amin ni Hesus na tawagin siyang Abba Papa (na ang ibig sabihi’y Big Papa, Big Daddy) Mga Taga-Galacia 4:6; Marcos 14:36
YESHUA: Ngunit nang dinala Niya kami sa impyerno, napag-alaman naming doo’y Yeshua ang Kanyang katawagan. Ipinaliwanag Niya sa aming sa impyerno, ang pangalang ito’y may mas mabigat na awtoridad na dala-dala. Sa impyerno, isang lugar ng mga rebelde at mga demonyo at ni satanas na nagrebelde sa Kanya … ang pangalang Yeshua ay nagtataglay ng mas mabigat na awtoridad. Hindi na kinukuwestiyon pa ang Kanyang awtoridad sa langit, walang nanlalaban sa Kanya ngunit sa impyerno, kahit na alam na ng mga rebeldeng si satanas at ng mga demonyong natalo na sila sa labanan, at kahit na alam na nilang siya ang Panginoon ng lahat ng mga panginoon, sa kanilang mapanghimagsik na estado iniisip pa din nilang subukang manlaban sa Kanya ngunit sa bawat pagkakataong kami’y pumupunta roon, lahat sila’y nauuwi’t nauuwi pa rin sa pagkakatirapa, ang mukha’y nasa sahig, bago sila mawala at maglaho na parang isang bula…
YAHWEH : Sa impyerno, ang pangalang Yahweh ang ginagamit kay Abba Papa. Hindi kayang sambitin ito ni satanas ng tama… kahit subukan pa niya, lumalabas itong bali-baliko… para bang Yahveveh…
HESUS: Sa mundo, tinatawag natin Siyang Hesus, ito ang pangalang karamihang ginagamit ng mga Kristyano …. ang rason kung bakit namin Siya tinatawag na Abba ay, Siya’y parang isa naming tatay na aming sinusunod at lumalakad kasama Niya. Sinusunod namin Siya at kilala namin Siya ng lubos…
Ito ang mga pangalang aming ginagamit sa aming kalagitnaan bilang isang pamilya sa aming church, ngunit may mas personal pang mga pangalang aming ginagamit sa aming araw-araw na paglalakad kasama Siya. Posible namang ihayag Niya ang Kanyang sarili sa iba gamit ang iba pang pangalan. Hindi natin mailalagay sa kahon ang Diyos. Ginagawa Niya ang Kanyang nais sa langit at sa mundo. Siya ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Kailangan nating maniwala, hindi tayo dapat magpahintulot na magkaroon ng pag-aalinlangan at kawalan ng pananampalataya kung tayo’y lalakad kasama Niya.
Sinabi Niyang, “Aking mga minamahal na mga anak, nais Ko kayong turuan ng mga bagay na wala pang ideya ang mundong ito.”
Kaya tayo’y matiyagang lumapit upang hanapin Siya, upang ating matanggap ang lahat ng nais Niyang ibigay para sa atin mula sa Kanyang puso. Alleluya! Pagpalain kayong lahat ng Panginoon!
#panalangin
#prayer