Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
Mark 11:24
Ang Diyos ay mabuting AMA. Hindi Niya ipinagkakait ang mga mabubuting bagay sa mga nagmamahal sa Kanya…
Ating pagsikapang palaguin ang ating pagmamahal sa Kanya, ating pagsikapang palaguin ang ating relasyon sa Diyos at maging determinado na
MAHALIN SIYA NG BUONG PUSO
MAHALIN SIYA NG BUONG PAG IISIP
MAHALIN SIYA NG BUONG KALULUWA
MAHALIN SIYA NG BUONG LAKAS
Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang mga bagay na ikakapahamak o hahadlang sa magandang plano Niya sa ating buhay “At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo’y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: At kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya’y ating hiningi.”1 Juan 5:14-15
Sinabi ni Santiago sa atin na “ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi…” Ang lahat ng mga bagay na ang ibig sabihin ay ang mga bagay na nakalinya sa kalooban ng Diyos sapagkat ang mga mananampalataya ay hindi dapat humihingi o dumadalangin ng mga bagay na hindi kalooban ng DIYOS AMA.
-Kapag ang kalooban ng Diyos ang iyong ipinapanalangin, alisin mo ang lahat ng-pagdududa at dapat kang maniwala. Ginagarantiya ng Diyos na kapag ikaw ay humingi ng may pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya, ito ay iyong makakamtan.
– Ang Diyos ay hindi anak ng tao na nasisinungaling, kaya nga dapat tayong magtiwala ng 100% sa Diyos na ang Kanyang Salita ay lubos na totoo.
Manalangin ng Panalanging Naka-ayon sa Kalooban ng Diyos
Ngayon ang Banal na Espiritu ay nagpapaalala sa atin na tayo ay maging mamamayan na nananalangin lamang ng panalanging naka-ayon sa kalooban ng Diyos. Ang mga mananampalataya ay hindi dapat dumadalingin ng mga bagay na taliwas sa kalooban ng Diyos. “Dumating nawa ang kaharian Mo, matupad nawa ang iyong Kalooban.” Hindi dapat tayo dumadalangin ng pansariling kapakanan lamang na hindi naka-ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi dapat tayo dumadalangin ng para bang gustong kontrolin, pwersahin ang Diyos na gumawa ng mga bagay para “sa akin, sa sarili ko at sa ganang akin.” Ito ay panalanging mala-karismatikong pangkukulam. Ang Diyos ay hindi isang fortune teller, ni hindi din psychic o soothsayer (manghuhula) na susuhulan upang makahingi at magmakaawa na ibigay sa atin ang ating nais na naaayon sa sarili nating laman at interes. Kapag tayo ay dumalangin ng panalanging kalooban ng Diyos, ang ating pananampalataya ay lalakas at wala ng puwang ang pagdududa sapagkat tayo ay naging isa sa panalangin sa Diyos. Kapag tayo ay dumadalangin ng kalooban ng Diyos tayo ay may sobrang tiwala, at ito ang pundasyon ng ating Dakila o Malaking Pananampalataya.
Habang Ikaw ay Dumadalangin ng Panalanging may Pananampalataya, tandaan:
- Sasagutin ka ng Diyos sa takdang panahon
- Sasagutin ka ng Diyos sa pamamagitan ng paraan at sistema na hindi mo inaasahan
- Isulat mo ang iyong mga requests at maging ang mga pangako ng Diyos na ibinigay Niya sa iyo
- Kapag ikaw ay dumalangin ng panalanging naka-ayon sa kalooban ng Diyos, dumalangin ka ng buong tiyaga, ng may pagtitiwala hanggang katapusan at pagbibigay ng papuri sa Diyos. Kahit na gaano katagal ang abutin, huwag bumitaw sa sunud-sunod na panalangin Lucas 18:1-8)
Minsan tinanong ako ng ng Panginoon, “Anong mangyayari kapag binigyan mo ng ice cream ang iyong mga anak at pagkatapos ay gulay?” Alam nating lahat ang sagot. Hindi na nila kakainin ang mga gulay. Bilang isang mabuting Ama, alam ng Panginoon kung kalian Niya tayo tutugunin. Siya ay sumasagot ng may kaayusan. Hindi ka muna Niya bibigyan ng ice cream. May pagpapakumbabang magsimula, bai-baitang at pagkatapos ay mula sa kaluwalhatian papunta sa kaluwalhatian. Siya ay mabuting Pastol na nangunguna sa atin sapagkat alam na alam Niya ang daanan. May pagkakataon, hindi Siya sumasagot sa atin kapag alam Niya na ito ay makapagdadapa sa atin. Iniintay Niya hanggang sa maging handa tayo.
May isang tao na humihiling ng asawa (wife), ngunit binigyan siya ng trabaho ng Diyos upang mayroong pangsuporta sa pamilya kapag dumating na ang takdang oras. Kapag tumugon Siya sa iyong panalangin, ito ay pagpapala para sa iyo at hindi sumpa. Kaya nga habang nag-iintay, ihanda mo ang iyong sarili, lumapit ka sa Kanya. Kilalanin mo Siya. Ang pananampalataya ay natural na dadaloy habang ikaw ay nananalangin sa Diyos na iyong nilalapitan at nakikilala!
At may pagkakataong, nais Niyang biyayaan ka ng higit pa na kung saan ay hindi lamang ikaw ang mapagpapala ngunit pati ang iyong pamilya maging ang ibang mga tao, ang bansa at ang madami pang susunod na mga henerasyong papalain rin. Katulad na lamang ng buhayin Niyang muli si Lazarus mula sa libingan.
Ang Pagkaantala ay Hindi Pagtanggi
Halimbawa, sa Juan Kabanata 11, sinabi kay Hesus na may sakit si Lazarus, bagama’t ganun ay nagdesisyon parin si Hesus na manatili ng dalawa pang araw sa lugar kung nasaan Siya. Habang ang pamilya ni Lazarus ay nababahala sapagkat hindi nagpakita si Hesus, alam ni Hesus ang Kanyang ginagawa. Ang Diyos ay Diyos, hindi Siya nag-iisip ng katulad natin at hindi Siya kumikilos ng katulad natin. Alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa sa lahat ng pagkakataon. Nanatili Siya ng dalawa pang araw at sa huli pagkadating niya sa bahay ni Lazarus, patay na ito ng apat na araw.
Kahit na sabihin na may pagka-antala sa Kanyang pagdating base sa sukatan ng tao, gumawa Siya ng hindi lamang simpleng pagpapagaling bagkus ay higit pang mirakulo kaysa kung Siya ay dumating ng maaga ng si Lazarus ay buhay pa. Hindi lamang pagpapagaling ang Kanyang ginawa sapagkat ngayon ay makikita nating Kanyang binuhay si Lazarus mula sa mga patay.
Kung ikaw ay dadalangin ng Kanyang kalooban, at ito ay nagtagal, kailangan mong malaman na kapag Siya ay tumugon ito ay para bang fireworks, isang napakadakilang gawa ng Diyos. Hindi lamang ikaw ang mamamangha, kundi maging ang mga makakarinig ng iyong testimonya ay mamamangha din! At madaming tao ang magbibigay ng parangal sa Kanya.
Ang Diyos ay Naghahatid Bilang Diyos hindi bilang Tao
May mga pagkakataong maaaring hiningi mo sa Diyos ay pera ngunit ang Kanyang pagtugon ay sa pagdadala ng tao sa iyong buhay na magbibigay sa’yo ng sasakyan o bagong tirahan o anuman ito. Kapag ito’y nangyari, tandaan na ang Diyos ay tumutugon sa mga panalangin (kaya nga mas maganda kung isusulat mo ito), upang sa gayon ay hindi mo malimutan na mag bigay ng pasasalamat sa Kanya sa mga panalangin mong Kanyang tinugon, na kung saan ay may iba’t-ibang paraan na paghahatid sa atin.
Kapag humingi ka sa iyong kaibigan, sila ay magbibigay sa’yo batay sa kanilang abilidad. Kapag ang ating mga anak ay nangangailangan ng kagamitang pang-eskwelahan o pambayad, walang duda na magbibigay tayo sa kanila. Ang ating mga anak ay walang duda na ang kanilang ama at ina ay hindi magbibigay ng hindi nila pangangailangan. Hindi sila nagtatanong sa kanilang mga magulang kung sila ba’y papakainin nila o hindi. Lagi silang nagtitiwala sa kanilang mga magulang. Nakikita mo ba aking kaibigan, kailangan natin ng pananampalatayang katulad ng sa isang bata. Ang mga bata ay hindi lamang nagtitiwala na sila’y papakainin ng kanilang mga magulang bagkus ay nagtitiwala sila na ang kanilang mga magulang ay magbibigay sa kanila ng mga laruan at higit pa dito; lalo na ang ating Amang nasa langit, na hindi nagkukulang; na higit na nagmamahal sa atin kaysa sa ating mga magulang sa lupa na makapagbibigay ng minimithi ng ating mga puso at kung ano ang ating hihingiin. Itong mga halimbawang ito ay makapag aalis ng mg pagdududa sa ating puso magpakailanpaman.
Aking mga minamahal na kaibigan, simula ngayon at magpakailanpaman, lumapit tayo sa Diyos ng may pagtitiwala at manalangin ng panalangin na may pananampalataya. Sinabi ng Kanyang Salita sa atin na “22Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig, 23 Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka’t tapat ang nangako: ” Hebreo 10:22-23
-Blazing Holy Fire-