Manalangin Katulad Ni Hesus (Part 2)

Updated: Nob 14, 2018

Mula kay: Abba’s Smile

Isa sa 12 prayer warriors

“Halika Aking anak, magkaroon tayo ng koneksyon sa isa’t-isa. Hayaan mong ang iyong puso’y mapasa-Akin, at ang Akin ay sa iyo. Hayaan mong ang iyong tingin ay palaging nasa Akin, sapagkat nais Kong magkaroon ng pakikipagsamahan sa iyo. Sapagkat ang nais ng Aking puso’y ang makasama ka, Aking minamahal. Lumapit ka sa Trono ng Grasya upang makakuha ka ng habag. Samahan mo Ako (Hesus) sa harap ng aking Ama, at ipanalangin natin ang buong mundo. Magkita tayo sa ating sikretong tagpuan, kung saa’y walang makakaistorbo sa atin, kung saan tayong dalawa lamang ang magkasama! Halika Aking Bride! Ako’y nasasabik na magkasama tayo.”

Pasasalamat sa Ating Hari

Sinasabi sa Salita ng Diyos sa Awit 100:4 na magsipasok tayo sa Kanyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, At sa kaniyang looban na may pagpupuri: Mangagpasalamat kayo sa Kanya; at purihin ninyo ang Kanyang pangalan!

Habang tayo’y nagpapatuloy sa buhay, nakakasalubong natin ang iba’t-ibang hamon. Ang buhay nati’y punung-puno ng iba’t-ibang karanasan, ang iba’y maganda ang iba’y hindi masyadong maganda, at minsa’y kapag lumalapit tayo sa Diyos sinasabi na lamang natin sa Kanya ang ating mga pinagdadaanan; ‘alam mo po Ama ang hirap ng araw na ito, hindi ako tinrato ng tama, tapos ganito at ganito…’ Ngunit sinasabi ng bersikulo sa itaas na ang pinakamainam na paraan ng pagpasok sa Kanyang presensya ay sa pamamagitan ng pasasalamat. Kapag tayo’y mananalangin, ito’y oras para magkaroon ng koneksyon sa Panginoon, panahon ng pakikipagkita sa Hari. Ang pasasalamat ay nagbubukas ng ating puso upang makipagkonekta sa Panginoon. Kahit ano pa ang iyong pinagdadaanan, palaging may rason upang magpasalamat, at ang kaugaliang ito’y parati dapat nakikita sa atin. Ito’y kalugud-lugod sa ating Ama.

Sigurado akong may sapat na mga bagay na dapat nating ipagpasalamat sa Kanya, kahit na minsa’y para bang nasa impyerno na tayo sa ating mga kinakaharap sa isang araw, purihin mo ang Kanyang Banal ng Pangalan nang bigyan ka Niya ng oras na makasama Siya. Amang nasa Langit, ang kapurihan ay sa Iyong Pangalan!

Tinuruan ni Hesus ang Kanyang mga disipulo sa sumusunod na mga bersikulo:

MATEO 6:9-13

9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama naming nasa langit, Sambahin nawa ang pangalan mo.

10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.

11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.

13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.

Ang Kalinisan ng Puso

Ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa Diyos. Upang magkaroon ng mas magandang koneksyon sa Diyos at marinig Siya ng walang halo ng ibang pinagmumulan, nararapat na humingi ng buong-pusong kapatawaran habang papunta sa Kanyang presenya. Tandaan ding sinasabi ng Bibliya sa sa Mateo 5:24 na hindi tatanggapin ng Panginoon ang ating handog hangga’t hindi pa nakikipag-ayos sa ating kapatid. 

Makikita natin kung gaano kaimportante sa Panginoon ang espiritung bagbag at nagsisisi. Ang paghingi ng tawad ngunit nagbibigay ng rason kung bakit ito ginawa ay hindi katanggap-tanggap sa ating Panginoon. Habang tayo’y humihingi ng kapatawaran, kinakailangang tignan natin ang ating puso upang alisin ang lahat ng mga bagay na hindi pa natin napapatawad. Isang beses sa isang harap-harapang engkwentro, tinuruan ako ng Panginoon patungkol sa kapatawaran at Kanyang sinabing:

“Ito’y kapag nagmahal ka ng walang kondisyon, kapag hindi ka nagtatala ng rekord ng mga maling nagawa sa iyo, kapag wala kang galit. Ang pagpapatawad ay ang pagiging hindi makasarili na may oag-ibig. Ito’y isang pagbibigay. Ito’y hindi pagdaramot ng kabutihan. Ito’y pagbubukas palagi ng iyong mga kamay kahit na tinusok ka pa, kahit na nilatigo ka ng 39 na beses. Noong ipinako ka sa krus. Ang pagpapatawad ay mapagmahal kahit ano pa ang mangyari. Palaging mayroon, palaging handang kuhain sila pabalik, ang pagkakaroon ng pusong hindi nagtatanim ng hinanakit.”

Dumating nawa ang Iyong Kaharian

Habang inilalapit natin ang ating puso sa Diyos sa panalangin, dapat tayong magkaroon ng ugaling nakapokus sa Kanyang kaharian. Katulad ng sa langit, ganoon din nawa dito sa aking pananalangin, Aking Panginoon. Alam mo hindi sila natutulog habang nananalangin sila sa itaas. Sila’y mga espiritu na. Ang layunin ay ang makaabot ang ating panalangin sa langit. Ang lahat ng nakaharang ay dapat maialis sa daan. Lahat ng distraksyon ay dapat hindi pansinin. Gaya ng sa langit, ganoon din sa lupa. Makipaglaban na ang Kanyang kaharian ay mangyari at bumaba habang nananalangin. Sa langit, ang mga saints ay nakikita ang Kanyang kaluwalhatian, ang mga anghel ay nasa lahat ng dako, ang paligid ay puno ng kapurihan at marami pang iba… Gaya ng sa langit, ganoon din sa lupa. Ito ang dapat maging layunin mo habang ika’y lumalapit sa Kanyang presensya. Maaaring kailanganin ng mahabang oras nito sa umpisa, ngunit habang ngatityaga kang magpatuloy sa Kanyang presensya, ang ating laman ay dapat mamatay, at ang espiritu’y kinakailangang tumayo. Dapat nakapokus ang iyong isip. Dapat tayong makipaglaban na mapanatili ang ating pokus. Hindi nais ng diyablo na tayo’y manalangin. Bakit? Habang nakikipag-ugnayan tayo sa kalangitan ang kanyang mga plano ay nabibigo, silang mga nabihag sa buong mundo ay nakakalaya, ang mga posas sa mga tao ay nagtatanggalan, ang mga pasanin ay inaalis. Kaya ngayo’y nakikita muna kung bakit may labanan kapag tayo’y nananalangin. Kailangan nating siguraduhing ihanda ang ating sarili bago manalangin, upang ang oras na ito’y nakatakda lamang para sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi sa bersikulo 13 na tayo’y humingi sa Diyos na alisin tayo sa lahat ng kasamaan, at ilayo tayo sa tukso. Kaya nating gawin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Hesus na nagbibigay sa atin ng lakas! Alleluiah!

Ang Iyong Kalooban ang Mangyari

Ang mga panalanging nagpapagalaw ng mga bundok, ay iyong nasa kalooban ng Diyos. Kaya’t importante ang manalangin sa lenggwahe ng espiritu (tongues) sapagkat ang Espiritu ng Diyos ang mamamagitan para sa atin. Alam Niya ang mga sikreto ng Kaharian. Kapag ika’y nakapokus na at gumagalaw na kasama ng Panginoon, may mga sitwasyong papasok sa iyong isipan na hindi mo naman sinimulang isipin, maaaring maglagay ng nga tao ang Diyos sa iyong puso na kinakailangan mong ipanalangin, sa oras na iyon maaari ka nang manalangin sa direksyon na sinasabi sa iyo ng Diyos. Mahalagang malaman mo ito, sapagkat ang mga panalanging nasa labas ng Kanyang kalooban ay wala masyadong magagawa. Nakita ko kung paanong sagutin ng Diyos ang panalangin sa loob lamang ng ilang minuto kundi’y segundo! Ngunit ito ang sigurado, iyon ang mga panalanging nangyari dahil ito’y naaayon sa Kanyang perpektong kalooban.

Isang beses ng kami’y nakaupo kasama ang Panginoon bilang isang pamilya, isa sa amin ang nagtanong sa Kanya: Abba (Ama), kagabi’y nagising ako ng hating-gabi at nahirapang makatulog muli. Bakit po ganoon?

Ang sagot ni Abba: “Ito’y dahil kailangan kita upang manalangin ng oras na iyon. Kapag ginising kita, ika’y manalangin hanggang sa ika’y antukin. Hanggang mawala ang bigat na iyong nararamdaman sa oras na iyon.”

May mga pagkakataong gigisingin ka Niya sa hating-gabi. Kapag nangyari ito, sumunod ka sa Kanyang pagkakatawag upang manalangin sapagkat kailangan Ka niya sa oras na iyon. Madalas mas gusto nating ipikit ang ating mata at matulog na lang muli. Hala! 2 AM pa lamang po Panginoon, ang alarm ko’y naka-set na ng 4:30 AM, mayroon pa akong 2 oras na natitira! Ang hindi natin alam ay kinakailangan Niya tayo ng ganoong oras, at ang anointing upang manalangin ay nasa oras ding iyon. Nangyari ito sa akin, ngunit kahit na magising ako kinalaunan, hindi naman ako nakapanalangin sa oras na itinakda ko at hindi pa maayos ang aking panalangin. Kailangan nating maging determinadong gawin ang Kanyang kalooban sa lahat ng oras. Ang pagsisilbi sa Kanya’y nangangailangan ng pagpatay sa ating laman, at pagsabi ng “hindi” sa ating kalooban, at mangyari ang sa Kanya. Kailangan nating maging nga anak na handang magsabing: OPO SIR! Kahit ano po, anumang oras pa!

Mga minamahal, inaanyayahan ko kayong magkaroon ng koneksyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin. Ibigay mo ang lahat para dito, hindi iyong kalahati lamang. Manalangin, at manalangin ng matindi. Habang ang Kanyang kalooba’y nagaganap dahil sa iyong pananalangin, tandaan mong ibibigay Niya ang iyong mga pangangailangan. Ang iyong pang araw-araw na pagkain. Napakadakila Niyang Ama! Napakamapagmahal, hindi kayang ilarawan ng mga salita!

Sinasabi sa ating ng Mateo 6:33 na hanapin muna natin ang Kanyang kaharian at ang kanyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga bagay na ito’y idaragdag para sa atin.

Aking mga kapatid, huwag kang mapapagod sapagkat ang huli’y napakadakila! Sapagkat sa Kanya ang kaharian at kapurihan magpakailanman!!! Palakasin mo ang iyong spiritual muscles. Loobin nating maging katulad Niya habang lumilipas ang mga araw, sapagkat tayo ay mamumuno at mamamahala kasama Niya! Magliwanag ka para sa Kanya ngayon, at huwag mong hayaan ang anuman upang pumigil sa iyo.

Ngumit ka’t maging masaya 🙂

#prayer

#panalangin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: