Kristyano VS. Kristyanong Ipinanganak Muli PART 2

Kapag ikaw ay ipinanganak muli, muli kang nagbagong buhay. Ang dating ikaw ay wala na at ang bagong ikaw ang mananatili.

2 Corinto 5:17

Pagkatapos mong ibigay ang iyong buhay kay Jesus, hangga’t maaari, bumalik ka sa napakinggan mong Salita ng Diyos na nagbago ng iyong buhay. Kailangang isapamuhay mo ang Salita kapag ito’y narinig o nabasa mo. Doon lamang magbabago ang iyong espirito at kaluluwa.

Kapag hindi mo sinunod ang Salita ng Diyos matapos mo itong mapakinggan, hindi ka mababago, at hindi mo mararananasan ang pagbabago. Habang hindi mo sinusunod ang Salita ng Diyos, mas nagiging matigas ang iyong puso. Kapag ang magpapalayok ay gumawa ng sisidlang luwad, hanggat hindi ito matigas, kaya niya itong hubugin sa kahit anong ibig niya. Ngunit kung ang sisidlang yari sa luwad ay matigas, ito’y mahirap nang hubugin, sa ibang kaparaanan, ang posibleng paraan na lamang na mahubog ito’y sa pamamagitan ng pagbasag nito at pagtunaw sa pamamagitan ng apoy. Ito ang dahilan kung abkit pagkatapos malaman ang katotohanan, kailangang sundin natin ang katotohanan. Kapag may nakita kang mga taong nahihirapang magbago, nagbibigay-linaw lamang itong naroroon pa rin sa taong iyon ang dati niyang pamumuhay; kapag ang dating pagkatao ay buhay pa, hindi sila makakalakad sa bagong pamumuhay.

Ang pamumuhay ng isang mananamplataya ay ang pagbabago ng kaisipan sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa ng Salita at pagsunod sa Salita – ibig sabihi’y sundin ang Salita ng Diyos at panatilihing sumunid sa Salita ng Diyos. Basahin ang Salita ng Diyos. Makinig sa Salita mula sa Bibliya, pakinggan ang Salita na ipinapahayag, baguhin ang iyung kaisipan araw-araw at ito’y isabuhay.

Abutin ang kabuuang pagbabago. Huwag magmadali o laktawan ang mahahalagang hakbang. Sa ating halimbawang paru-paro, sa bawat yugto, mahalaga sa paru-parong manatili at ilaan ang panahon sa pagiging isang itlog, uod, isang pupa; gaano pa man kahaba ang panahong tatahakin para sa kabuuang proseso, gawin mo ito, at huwag mainip. Ito’y isang proseso, hindi ito magagawa ng isang araw lamang o isang buwan. Ito’y isang proseso, gawin mo ito araw-araw, halimbawa maging tapat sa iyong debosyon tuwing umaga, araw-araw na pananalangin, huwag mo itong kaliligtaan. Maging masaya sa daanang tatahakin sa prosesong ito!

Hangga’t nandito tayo sa katawang ito at sa mundong ating ginagalawan, walang makakasabing: ganap na ako (I have arrived). Kailangang patuloy tayo sa pagbabago, kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian. Huwag tayong huminto sa kalagitnaan, kailangang magpatuloy, kailangang patuloy sa pagbabago

“hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging ganap ni Cristo.”

Efeso 4:13

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: