
ANG MGA KANDELERO (LAMPSTANDS) AY TINATANGGAL
Binalaan kami ng Panginoon, “Tinatanggal ko na ang mga kandelero.”
Binabanggit sa Mga Pahayag 2:1-7 ang mensahe para sa Iglesya sa Efeso, ang iglesya na nagtiyaga at nagtiis ng maraming hirap at pagsubok, hindi kinunsinti ang kasamaan, ngunit nagkulang sa pag-ibig para sa Diyos at sa kapwa. Nagsalita ang Panginoon sa iglesya sa Efeso at binalaan silang magsisi, kundi ang kanilang kandelero ay tatanggalin.
Kahit ano pa ang ating sakripisyo at matuwid na mga gawa, kung ito’y walang pag-ibig para sa Diyos at sa ating kapwa, nasa malagim tayong panganib. Sapagkat sa kalauna’y makikita natin ang ating mga sarili sa lugar na wala ng kandelero (kandelero – ang napakagandang Presensya ng Diyos at matalinong payo ng Banal na Espiritu.)
SINASAKOP NG PAGKABULAG ANG MGA CHURCHES
Ito ang oras kung saan si satanas ay naghahanap ng paraan upang mabulag ang Church at paunti-unting hatakin ang Church sa isang malalim na patibong, sa isang lugar na malayo sa Presensya, Komunyon, at Payo ng Panginoon. Ano ang nakapang-aakit na bitag ang ginagamit niya upang mahalina sila sa kanyang patibong? Pagdaramdam o Hinanakit!
SUNTOK SA HANGIN…ISANG WALANG KABULUHANG PAKIKIPAGLABAN
Isipin mo kapag ang Katawan ni Kristo ay labis na nahumaling sa “pagiging tama.” Binalaan tayo sa ng Bibliya sa Colosas 3:12-14
...dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. (MBBTAG)
Ss oras na ito, maraming Kristyano ang nakikipaglaban sa maling labanan. Ang labanan kung sino ang tama, kung sino ang matuwid, sa pagharap sa kasalanan, pagkabagsak, nasaktang damdamin, at hinanakit sa iba. Ang labanang ito ay hindi kailanman maihahakbang pasulong ang Mabuting Balita o ang pagkakahalintulad ni Kristo na hinubog sa atin. Ayon kay Pablo, ang mga sumasali sa labanang ganito ay katulad ng kanyang nabanggit sa 1 Corinto 9:26 “tumatakbo ng walang layunin. Sumusuntok sa hangin.” Tunay ngang ang mga pagdaramdam o hinanakit ay nagtutulak sa mga mananampalataya na tumakbong wala sa orihinal na pagkakatawag ng Diyos, at makipaglaban sa maling uri ng labanan, hindi para sa Mabuting Balita kundi para sa pansariling kabanalan, katulad ng isang taong sumusuntok sa hangin.
Anong kahihiyan kaya ang mararamdaman sa Huling Araw kapag napagtanto mong marami kang ipinaglaban, ngunit ang mga labanang ito ay hindi nakatamo ng kahit na anong matuwid na layunin ngunit sa Kanyang mga Mata, ay isa lamang mga suntok sa hangin?
ANG PAGLALANTAD
Sa paningin para bang marami na ang naging bato ng offenses at naging dahilan ng pagkakadapa ng iba sa Katawan ni Kristo sa pamamagitan ng kasalanan, hinanakit, pagdaramdam, at iba pang katulad nito. Ang resulta’y maraming mga kapatid ang na-offend/nasaktan/nagdamdam.
Ngunit kung titignan natin ng maigi, may makikita tayong paglalantad.
Pagmasdan mo ang reaksyon ng mga nasaktang panig.
Pagmasdan mo ang kanilang mga salita at gawa.
Pagmasdan mo ang kanilang mga pinagbubulayan at ang lumalabas sa kanilang mga puso.
Hindi ito ang pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng itim at puti – isang panig na tama at isang mali, isang biktima at isang nang-aabuso.
Ito ay paglalantad ng mga puso.
Sa mahabang panahon, ang malaking bahagi ng Katawan ni Kristo ay naging sensitibo sa mga sakit ngunit tinatago sa likod ng mga ngiti at hindi makatotohanang pagkakaisa. Mga kapatid na ngumingiti sa isa’t-isa ngunit sa ilalim ay may dinadalang angal, ego, pagmamataas, pagtataas sa sarili laban sa kapwa. Kaya sa pagkakahulog ng iba, nadadatnan natin ang ating mga sarili na masyadong sentimental! Ni hindi na natin maitago ang mga hinanakit at kapaitan (bitterness) sa mga panahong ito. Tunay na inilalantad na ng Diyos ang pagiging sensitibong ito sapagkat kapag hindi hinarap ang pagiging sensitibong ito, ito ang hahadlang sa atin upang madala ang Krus ni Hesus!
NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN
Paano kung ang rason ng mga offenses na ito ay upang maihubog sa atin ang pag-ibig ni Kristo na nagtatagumpay sa kasalanan?
Ang Mabuting Balita ay maisusulong! Ngunit hindi sa kalagayang naduduwag ang Church sa gitna ng mga hinanakit! Ngayong oras na ito tinatawag ng Panginoon ang Katawan ni Kristo na lumabas ng may pag-ibig Niya mula sa bunton ng mga sakit at pagdaramdam na nagbabaon sa atin. Na iwanan ang sarili at pansariling kabanalan at mangagmuling kuhain ang krus ng kahihiyan at kadustaang natamo ng Panginoon.
"Nagpapakahirap kami at nagbabanat ng buto para kumita ng ikabubuhay. Idinadalangin namin ang mga lumalait sa amin; kapag kami'y inuusig, nagtitiis kami. Kapag kami'y sinisiraan, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, kami'y parang maruming basahan, pinakahamak sa lahat ng tao sa mundo."
1 Corinto 4:12-13
Paano makikita ng mundo si Kristo sa atin kung ang Kanyang sariling Katawan ay hindi kayang tiisin ang kahihiyan ng krus?
Paano makikita ng mundo ang Mabuting Balita kung ang Kanyang Katawan ay hindi nagnanais na maipako sa krus ng dahil sa kanilang kaaway?
Nawa’y pagbulay-bulayan mo ito ngayong araw.
Church ni Kristo, ikaw ay lalabas mula sa mga offenses na nagbaon sa iyo.
Ikaw ay muling lalabas mula sa patibong ng demonyo, at muling papasok sa pagsasalo sa Diyos na Siyang Pag-Ibig. Sa pagsasalo kasama ang Pag-ibig, muli kang makatatanggap ng Kanyang Presensya at mga payo.
Ikaw ay muling babangon. Magkakaroon ng Pag-asa. Mamahalin mong muli ang iyong mga kaaway.
Pagpalain tayong lahat ng Diyos!