Ang Pandaraya/Panlilinlang (Deception Part 1)

Noong summer ng 2013, ang Panginoon ay nagsimulang magpakita sa 12 prayer
warriors ng The Blazing Holy Fire Church, inihahayag sa kanila ang patungkol sa
Kaharian ng Diyos, tinuturuan at sinasanay sila para maging Kanyang End Time Army. Sa maraming gabi, ang Panginoon mismo ang nakikipag-usap sa amin patungkol sa pandaraya/panlilinlang. Ang serye ng mga katuruan patungkol sa deception ay resulta ng mga pinagsama-samang mga encounter kasama ng mga unang karanasan sa loob ng maraming taon. Pakiusap kuhanin ninyo ang mga katuruan patungkol sa PANDARAYA/PANLILINLANG ng seryoso at i-apply sa inyong buhay!

Sinabi ng Panginoon, “Ang pandaraya ay ang pinakamalakas na armas ni satanas. Siya ang ama ng  kasinungalingan! Bigyan mo sila ng malinaw na babala! 

Ang Pandaraya/Panlilinlang 

Ang pandaraya/panlilinlang – ‘Isa sa pinakakinagagalitang kaaway ng Panginoon ay  ang espiritung galing kay satanas na nakatakda laban sa mga taong masigasig na  naghahanap sa mukha ng Diyos. Kabilang dito ang mga taong bukas ang mga  espiritwal na mga mata at mayroong encounter galing sa Panginoon; ang mga taong  nagbabasa ng mga libro patungkol sa langit at impyerno; iyong mga kabilang sa fire  ministry at revival movement; silang mga naglilingkod sa Panginoon at sinumang  nagnanais na mas lumalim pa sa Diyos. Si satanas ay sinungaling at ang ama ng mga  kasinungalingan (aklat ni Juan) at ang pinakamalakas na sandata niya ngayon laban sa  mga tinawag na makakita ng mas higit pang mga bagay ay ang PANDARAYA O  PANLILINLANG. Alam ni satanas na madaming nababago ang buhay sa pamamagitan  ng mga libro na patungkol sa langit at impyerno, ang kanyang sikreto ay nabunyag sa  pamamagitan ng mga taong nagkaroon ng harap-harapang encounter sa DIYOS, at  dahil dito ginagamit niya ang kanyang espiritu para iligaw ang mga pinili. Hanggang  ngayon, ang pandaraya/panlilinlang ay patuloy na gumagana ng maayos para sa  kanya! Bilang pastor, madami na akong nakitang mga tao na sa dami ng pagkakataong nagkaroon ng totoong harap-harapang encounter sa Panginoon, ay nadaya, kinuha mula sa Panginoon, at nagsimulang sumunod sa diyablo. Nakita ko ang espiritung ito na nanaig sa mga nananalangin ng madaming oras kada araw; nakita ko ang espiritu na ito na nadadaya/nalilinlang ang mga taong nag-aayuno ng matagal; at sa mga taong  nagmamahal sa Diyos at nananatili sa bahay Niya araw-araw! Mas marami ang  nagiging biktima ng espiritung ito kaysa sa mga gumagamit ng kanilang discernment at  tinatalo ang diyablo. Ito ang dahilan kung bakit itinuro sa akin ng Panginoon na  magsulat at ibunyag ang espiritu ng pandaraya/panlilinlang at kayo’y bigyang-babala. 

“Magandang Balita: ang espiritung NANLILINLANG ay walang pagkakataon na  magapi ang mga taong lumalakad ng may pagpapakumbaba, nagpapasakop sa Maka Diyos na nakatataas at masunurin hanggang kamatayan.”

Sa lahat ng Kanyang pagbisita sa amin bilang isang grupo, nasaksihan lamang namin sa unang pagkakataon ang pagtulo ng Kanyang luha noong tinanong namin Siya  patungkol sa espiritu ng pandaraya. Tumulo ang Kanyang luha sa pag-alaala ng mga taong nawala sa Kanya dahil sa espiritu ng pandaraya – isang kalagayan kung saa’y  may isang batang lalaki na sa simula ay mayroong mga tunay na encounter, ang sabi  ng Panginoon, “Mahal Ko siya ng sobra at nawasak ang Aking puso noong nakita ko na ang Aking munting anak ay kusang loob na ninakaw mula sa Aking mga kamay!”  Naalala Niya pa ang marami sa Kanyang mga totoong anak na nalinlang. Sinabi Niya  samin na sila’y binalaan Niya! Lumaban Siya para sa bawat isa sa kanila! Siya, bilang isang magpagmahal na Ama, ay lalapit sa bawat isa sa kanila upang ibalik sa Kanyang  mapagmahal na bisig, sa halip na bumalik, sila’y tumatakbo pa upang yakapin ang ama  ng kasinungalingan! Bakit? Sapagkat ang espiritu ng pandaraya ay kumikilos ng mabilis at kapag ito ay nakapasok na, pinapatay nito ang pandinig at discernment na  nanggagaling sa Diyos. Ang PANDARAYA ay bunga ng pagmamataas. Ang pride o  pagmamataas ang sumisira sa kakayahan ng taong makarinig at kapag gumapang na  ang pandaraya patungo sa kanilang puso, hindi na nila magagawang marinig ang  Panginoon ni ang sundin Siya. O, ang sakit para sa isang Ama na patuloy na kinukuha  ang Kanyang mga anak ngunit sila ay tumatakbo pa patungo sa kamay ng ama ng  kasinungalingan, na walang ibang ibabayad kundi ang impyerno! Wasak ang puso ng  Panginoon, sobrang nawasak ng gabing iyon! Inatasan Niya ang isa sa amin na saluhin ang Kanyang mga luha. Sinabi ng Panginoon na para sa mga nadaya, ‘Ang makawala  sa pandaraya ay isang milagro.’ Sa maraming beses na nakita ko ito, mapatotohanan  kong, “Oo, ang makawala sa pandaraya ay isang napalaking milagro.” Ang panahon para bunutin ang pandaraya ay bago pa ito makagapang patungo sa puso ng tao. 

Ano ang Pandaraya/Panlilinlang? 

Ang pandaraya o panlilinlang ay ang paniniwala sa mga kasinungalingan ng demonyo  kaysa sa Katotohanan/Truth. Ang mga naniniwala sa kasinungalinan ay nakagapos,  mayroon silang kaliskis sa kanilang mga mata para di sila makakita ni makarinig.  Tinatanggihan nila ang Katotohanan. 

“… at malalaman ninyo ang Katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa  inyo” Juan 8:32 

“Ang pandaraya/panlilinlang at mga kasinungalingan ay nagpapakita sa paninisi sa mga  inosente at mababait na lingkod. Si satanas ang ama ng kasinungalingan. Ang  pandaraya/panlilinlang ang pinakamalakas na sandata ng diyablo.” 

Kaya, kung may mababasa ka na artikulong sinisisi ang mga mananampalataya o  lingkod ng Diyos, mga sumasali sa tsismis, naninirang puri at mga nampupuna – malalaman mo na ikaw ay humahakbang sa kampo ng pandaraya/panlilinlang. Kapag 

nakakita ka ng mga ganitong babasahin, ibasura mo ito at tumakbo ka ng mabilis  palabas ng website na iyon, libro, artikulo o pagtitipon. Paulit-ulit na sinasabi ng  Panginoon na Siya ay isang personal na Diyos. Ang Kanyang Banal na Espiritu ang  nagbibigay kombiksiyon sa Kanyang mga anak sa personal nilang kalagayan. Tayo ay  tinawag para ilantad ang demonyo at ang kasalanan hindi para ilantad ang mga  makasalanan ng walang pagbibigay pakilala kay Hesus bilang isang nagtubos ng mga  kasalanan. 

Ang Pintuan ng Pandaraya/Panlilinlang 

Ang pagmamataas ang bukas na pintuan. Ang pagmamataas at ang pandaraya ay  magkahawak kamay na lumalakad. Ang dalawang ito’y matalik na magkaibigan! Si  satanas ang siyang nagbubukas ng pintuan ng pagiging mapagmataas at itinatapon  niya palayo ang susi upang ang mga mapagmataas ay hindi na ito muling makita. Pinaaalalahanan ni Hesus ang bawat isa, “Mabuti na lang at hindi Ako takot na sumisid  sa basurahan,” na ang ibig Niyang sabihin ay hindi Siya takot na hanapin ang susi at  palayain ang mga mapagmataas. Ngunit dapat ay magkaroon sila ng totoong  PAGSISISI. 

”Ang PAGSISISI ang nagtatanggal ng kandado sa puso upang magkaroon ng daanan  ang Panginoon, makapasok dito at mapalaya ang mga bihag.” 

Ang pagmamataas ay maraming uri at kung minsan ito’y dumadating bilang isang hindi  tunay na pagpapakumbaba. Ang pagmamataas at hindi tunay na pagpapakumbaba  ay humahantong sa bawat isa! 

“Huwag nating pahintulutan ang pagmamataas na maging bukas na pintuan sa atin  dahil tatakbo papasok rito ang pandaraya.”

Ano ang Pagmamataas o Pride? 

Ang papuri sa sarili (Luke 18:9-11). Ito ay nagkukumpara at dumarating sa  konklusyong, ‘Ako ang pinakadakila, pinakamagaling at nakahihigit kaysa sa iba.’  Upang makilala ang pagmamataas: Tignan kung saan nakaturo ang spotlight. Ito ba  ay kay Hesus o sa kanila? Sino ang madalas mabanggit? Sino ang nakakatanggap ng  kapurihan? Sino ang pinakaimportante? Ang Diyos o sila? Sinong kumukuha ng  karangalan? Sinong kumukuha ng responsibilidad? 

Solusyon sa Pandaraya/ Panlilinlang sa isang Indibidwal 

Ang Panginoon ay nagpapaalala sa bawat isa, ‘Ang paniniwala sa pandaraya ay isang desisyon at Ako ay nagbibigay sa Aking mga anak ng kakayahang mamili.” Mga Anak  

ng Diyos, tandaan ninyo na nais Niya na gamitin natin ang kakayahang makabatid o  discernment. Kapag may narinig kayo (galing sa ibang tao o mga tinig na nagsasalita sa  inyo), kapag nagbasa kayo tandaan ninyo na palaging gamitin ang kakayahang  makabatid o discernment. 

1. Magpasakop sa: 

a. Maka-Diyos na awtoridad o Godly authority (Madalas Niyang sinasabi ‘Ako nga  ay Diyos ng kaayusan’) 

b. Maka-Diyos na payo 

• Kapag nakarinig ka ng mga bagay (galing sa mga tao o mga tinig na  nagsasalita sa iyo), kapag ika’y nagbasa o nanood 

• Siguraduhin mong ito ay naka-linya sa Bibliya 

• Kung ito ay galing sa Diyos, hindi ito nakaturo sa mga paninisi at mga  paratang laban sa isang tao ng walang pagbibigay pakilala kay Hesus bilang  manunubos ng kasalanan 

• Kapag ikaw ang naninisi, siguraduhin mong handa kang manalangin  patungkol dito, at siguraduhing handa kang malaman na ikaw nga ang  nagturo patungkol dito 

c. Salita ng Diyos (Bibliya) 

2. Magsisi 

Magkaroon ng totoong pagsisisi ng pagmamataas at ng pandaraya. “Alalahanin mong lagi dapat ginagamit ang kakayahang makabatid o discernment.

Solusyon para sa Pagbunot ng Pagiging Mapagmataas o Pride para sa mga  nasasakupan mo 

(Ito ay para sa mga Pastor, lider at awtoridad na itinayo ng Diyos) 

Para mabunot ang pagiging mapagmataas, kinakailangan na meron kang PALA NG  PAGPAPAKUMBABA na binigay sa iyo ng Panginoon! Kung sinuman ang  magpakumbaba sa harapan ng Diyos at lumakad ng may kababaang loob sa Kanya ay  makatatanggap ng ganitong kagamitan. Bago ka gamitin para bunutin ang  pagmamataas, IKAW MUNA AY DAPAT NA MAPAGPAKUMBABA. 

Pagpapakumbaba 

Sinabi ng Panginoon, “ Ang may mapagpakumbabang puso ay isang maka-Diyos na  puso.” 

Ang tunay na pagpapakumbaba ay nanggagaling sa kailaliman ng pinakaloob na isipan  at kaluluwa. Ang tunay na pagpapakumbaba ay laging maamo at madalas ay nakatago  

sa spotlight – sinabi ng Panginoon, “ginawa sa pribadong lugar na ang aking mga mata  lamang ang nakakakita. Ang pagpapakumbaba – ibigay mo ang kapurihan sa Akin at sa  iba kahit na hindi ito para sa kanila.” 

Ang mapagpakumbabang tao ay nagsisisi sa totoo at matapang at hindi nahihiyang  pamamaraan. Ang mapagpakumbabang tao ay: siyang naghuhugas ng mga paa ng  pinakamababa. 

Pagiging masunurin o pagsunod: kahit na anong halaga, ang mapagpakumbabang tao  ay laging susunod at magpapasakop sa 

a) maka-Diyos na awtoridad b) maka-Diyos na payo c) sa Aking Salita (BIBLIYA) 

Sinabi ng Panginoon, “Hindi mo basta basta mahihila ang matigas at matibay punong tumutubo mula sa ugat nito. Pwede ba? Kailangan mong hukayin ang ugat ng  pagmamataas sa pamamagitan ng pala ng pagpapakumbaba. Ano ba ang  pinagmamataas nila? Hindi ako Diyos na mapagmataas. Ako ang karapatdapat na  tumanggap ng papuri ngunit hindi Ako mapagmataas. Hinugasan ko ang mga paa  Aking mga alipin/lingkod (servant). Hindi ako takot na magtrabaho. Gayundin dapat ang  Aking mga anak. Mahirap basagin ang pagmamataas, yaong pamamaraan mo ng  paghukay dito, ay sa pamamagitan ng paghuhukay ng may pagpapakumbaba, pababa  sa dumi. Lumakad ka ng may pagpapakumbaba sa buhay. Maging isang halimbawa  para sa mga mapagmataas. Itrato sila ng may pagpapakumbaba. Ituro mo ang  pagpapakumbaba at gawing malinaw ito para makita. Kapag sila ay nagbanggit ng  papuri para sa sarili, iyong sabihing, ‘Ang kaluwalhatian ay para sa Diyos!’ Ako ang ituro  mo.” 

Kailangan mong hukayin ang ugat ng pagmamataas sa pamamagitan ng  pala ng pagpapakumbaba. 

#pandadaya #pagmamataas #pagpapakumbaba #pagsisisi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: