
DAPAT BA NATING IPAGDIWANG ANG PASKO?
Pinagpipilitan ngayon ng mga ateista (atheists) na itigil na ang pagdiriwang ng Pasko. Naririnig rin natin sa balita ang maraming mga kaso at labanan patungkol sa mga display ng Kapanganakan (ni Hesus). Paunti-unti, pinapalitan ng mga maka-ateistang billboards ang mga senaryo ng Kapanganakan. Hindi lamang ang mga ateista, iginigiit rin ng ibang mga bago at di-pangkaraniwang mga relihiyong nagpapahayag na sinusunod nila si Kristo, na ang Pasko ay isang paganong pagdiriwang na dapat iniiwasan ng lahat ng mga totoong Kristyano. Nakakakain ang marami sa mga bagong Kristyano ng mga kakaiba at may halong ebanghelyo na mabilis mahahanap sa internet.
Bakit may ganitong labanan sa Pasko? Ano ang espiritung kumokontrol sa mga ateista at anong espiritu ang nasa likod ng mga ganitong atake? Hindi ba’t dapat tayong matakot at manginig kapag nakikita natin ang ating mga sariling sumasang-ayon sa dyablo at naniniwala sa mga pinaniniwalaan ng mga ateista?
Nagpasya akong tanungin ang Panginoon patungkol sa Pasko, at sa artikulong ito, ibabahagi ko ang aming mga natutunan bilang isang church habang nakikipag-usap kami sa Kanya sa maraming paraan.
NAIS NI SATANAS NA HINDI NA KILALANIN PA ANG PASKO
Christmas! Ang pangalang “Christ” ay makikita rito! Purihin ang Diyos, Aleluya! Huwag kang magkakamali, si satanas ay isang magnanakaw at tulisan at nais niya na mawala ang “Christ” mula sa Christmas! Kailan pa ba nangyaring hindi naghanap si satanas ng paraan para gumawa ng huwad (counterfeit) at gayahin kung ano ang ginagawa ng Diyos? Ititigil mo ba ang pagdiriwang ng Pasko ng dahil lamang gumawa si satanas ng huwad nito? Hindi! Nais ng Diyos na ikaw ay lumaban at huwag hayaang kuhain ni satanas ang sa Kanya – at huwag kang magkakamali, kaya itong gawin ni satanas, dahil siya ay isang magnanakaw at isang tulisan!
Christmas! Ang pangalan ni Kristo (Christ) ay naririto! Gusto ba ni satanas na tawagin mo ang pangalan ni Kristo? Alam mo ba na kapag binabanggit ang pangalan ni Kristo Hesus natatalo si satanas?
“…sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa...”
Mga Taga-Filipos 2:10.
Si satanas ang siyang sumisigaw na ‘itigil ang Pasko; huwag niyong ipaalam ang patungkol sa Kanyang kapanganakan; tanggalin ang mga anointed na music at mga instrumentong pinapatugtog sa maraming istasyon sa radyo! Pigilan ang mga tao sa pagpapahayag ng Kanyang kapanganakan sapagkat sila’y naliligtas kapag naririnig nila ang istorya, at kami’y pinahihirapan ng sobra sa impyerno sa bawat oras na kinakanta o ipinapahayag ang Kanyang pangalan!” Ah, oo, ayaw ng mga demonyo ang Pasko at hindi sila masaya sa mga ilaw at mga dekorasyong inilalagay natin. Ano sa tingin mo ang nangyayari kapag ang kantang katulad ng, “Joy to the World” ay ipinatutugtog? May kapangyarihan ang salita, at habang kinakanta ito, ang kasiyahan ay kumakalat sa buong mundo!
Si Kristo ang sentro ng Pasko. Walang Pasko kung wala si Kristo.
Si Kristo ang sentro ng Pasko. Walang Pasko kung wala si Kristo. Ang tema ng Pasko ay patungkol sa pagtubos, liwanag, di-makasariling hangarin, pagpapakumbaba … isang paalala sa isang Diyos na mapagbigay at namimigay ng sagana. Nais ng Diyos na iyong alalahanin ang ginawa Niya para sa iyo! Kanyang sinabi, “Ilagay ninyo Ako sa inyong alaala”; “ Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo.” Juan 15:20. Sa libro ng Mga Pahayag 3:3 sinabi Niya, “Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig.” Nais ng Diyos na iyong alalahanin ang pinanggalingan ng iyong kaligtasan. Nais ni satanas na kalimutan mo kung ano ang nangyari. Nais ng Diyos na ito’y iyong iproklama “nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na nasa Ama at nahayag sa amin–” 1 Juan 1:2. Iniutos ng Diyos na tayo’y mag-ingat at huwag kalimutan kung ano ginawa Niya para sa atin. Siinabi Niya, “Huwag mong hayaang mawala sa iyo ang mga memoryang ito hangga’t ikaw ay nabubuhay! At siguraduhing maipapasa mo ito sa iyong mga anak at sa iyong mga apo.” Likas na sa tao ang pagiging mabilis makalimot kaya’t kinakailangang ulit-ulitin ang Katotohanan. Ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pasko kada taon, ay upang alalahanin ang kapanganakan ni Kristo at mamangha sa misteryo nang ang Salita ay nagkatawang-tao.
DISYEMBRE 25 BA ANG KAARAWAN NI HESUS?
Habang ang sagot ay isa pa ring misteryo, isang bagay ang sigurado – Sinong hindi magnanais na magsaya kung iisiping ang pagkakatawang-tao ng kanyang Tagapagligtas ay unang inihayag sa mundo sa banal na gabing iyon? Dapat ba tayong tumigil sa pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan ng dahil lang sa mali ang petsa nito? Ang kaarawan ng aking espiritwal na anak ay malapit na. Ipinanganak siya sa isang bansang hindi naitala ang araw ng kanyang kapanganakan kaya gumawa na lamang ang kanyang ina ng panibagong petsa ng kanyang kaarawan. Kami’y nakikisama sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking espiritwal na anak na maaaring mali ang petsa. Ang intensyon o layunin ang mahalaga, hindi ang aktwal na petsa. Noong tinanong ko ang Panginoon kung kailan ang aktwal Niyang Kaarawan, sinabi ng Panginoon na hindi na mahalaga kung kailan ang petsa nito. Ang importante ay inaalala ng Kanyang mga anak na ipagdiwang Siya kahit na maaaring mali ang petsa ng Kanyang kaarawan.
PAGDIRIWANG NG PASKO KASAMA SI HESUS DISYEMBRE 25, 2013
“Nagagalak ang Aking puso at gustung-gusto ko ang panahon ng Thanksgiving at Pasko!”
Hesus
Nangyari ito noong taong iyon, harap-harapan naming kasama ang Panginoon at ipinagdiriwang namin ito kada taon, ngayong taon at sa mga susunod pang mga taon na paparating! Hinding-hindi namin makakalimutang ipagdiwang ang Kaarawan ng aming #1 na Pinakamatalik na Kaibigan, ang aming kamangha-manghang Tagapagligtas at ang Umiibig na aming naka-engkwentro!
Noong Nobyembre 2013, sinabi ng Panginoon, “Nagagalak ang Aking puso at gustung-gusto ko ang panahon ng Thanksgiving at Pasko!”
Mabuting Balita! Ipinagdiriwang ng Langit ang Pasko! Kahit sa mundo, kapag ikaw ay naglagay ng dekorasyon para sa Pasko, nakikilahok ang langit. Kung ikaw ay isang magulang at ang iba sa iyong mga munting anak ay nasa langit na, binibigyan sila ni Hesus ng mga regalo kada Pasko o kahit sa anumang espesyal na okasyon! Sa Araw ng Pasko, nagdiriwang ang Panginoon at Siya’y nagdadamit ng espesyal na kasuotang Pampasko at nagsusuot ng koronang ginto na may nakalagay na mga batong-hiyas ng lahat ng kulay. Hindi lamang sa Pasko ngunit pati na rin sa iba pang mahahalagang banal na araw, nagsusuot ang Panginoon ng napakamarangal at maririlag na kasuotan!
ISANG SURPRESANG PAGDIRIWANG NG KAARAWAN
Noong 2013, nagpasya kaming magkaroon ng isang surpresang pagdiriwang ng kaarawan para kay Hesus ngunit kami’y nagtataka kung paano namin ito magagawa sapagkat alam ng Diyos ang lahat ng bagay at Siya ay matatagpuan sa lahat ng lugar! ‘Makakagawa ba talaga kami ng isang surpresang pagdiriwang?’ Nagkaroon kami ng ideyang tanungin Siya kung maaari ba kaming gumawa ng isang surpresa at pinayagan ng Panginoon ang aming kahilingan. Sa araw ng pagpaplano para sa kaganapan, nagkaroon kami ng pagpupulong sa aming church. Ipinadala ng Panginoon ang Kanyang Banal na Espiritu at tinakpan Niya ang Kanyang tainga upang bigyan kami ng pribadong pag-uusap! Dumating ang Banal na Espiritu sa aming kalagitnaan na kitang-kita ng aming mga mata at Siya’y nakikisama sa pagpaplano. Nagsalita ang Banal na Espiritu, kilala Niya ang Panginoon higit pa sa kaninuman sa amin at Siya’y nagbigay ng mga nakamamanghang ideya habang kami’y nagpaplano. Dumating na ang araw ng pagdiriwang, ginanap ito sa tinatawag naming “Ang Arka” at kami’y nagkaroon ng napakagandang pagdiriwang – Isang Pagdiriwang ng Kaarawang akma para sa Hari kung saan kami’y nagpresenta ng aming mga regalo para sa Kanya at nagbahagi ng mga espesyal na tugtugin, sayaw, kagalakan, pag-ibig at espesyal na pagkain. Ang Panginoon ay nasa aming kalagitnaan noong araw na ito at tinanggap ang lahat ng aming mga regalo. Makalipas ang ilang linggo, ibinahagi ng Panginoon kung gaano Siya kasaya at sinabi Niya sa amin na sa bawat regalong ibinigay namin sa Kanya, ibinalik Niya ito ng maka-dalawang ulit pa. Ang iba sa ami’y agad-agarang nakita ang pagkakahayag nito sa pisikal.
Purihin ang Diyos, Aleluya!
IPINAGDIRIWANG NG DIYOS ANG KAARAWAN NG KANYANG ANAK
Pasko – Ang totoong kahulugan ng panahon ay si Kristo. Tumingin ka higit pa sa Christmas Tree, higit pa sa mga paganong bagay, tumingin ka sa katotohanan sa likod ng mga tradisyon! Ang Pasko ay panahon ng malaking oportunidad upang itaas si Kristo Hesus. Ang araw ng Pasko ay isang espesyal na araw para sambahin si Kristo at magbigay pasasalamat sa Kanyang pagdating sa mundo. Sa panahong ito, bibigyan ka ng oportunidad ng Diyos na makita ang mga miyembro ng iyong pamilya at mga kaibigang hindi pa naliligtas. Kung gayon, alalahanin mong ipakilala si Kristo sa kanila. Huwag kang matakot na ibahagi si Kristo sa kanila. Huwag kang matakot na ihayag sa kanila si Kristo na iyong nakilala at nagpabago ng iyong buhay! Huwag mong ipagkakaila ang katotohanan sa kanila sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa kanila (Juan 8:32).
Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?
Mga Taga-Roma 10:14
Ipakilala mo si Hesus sa iyong pamilya. Sabihin mo sa kanila kung gaano Siya kabuti. Sabihin mo sa kanila ang kanyang kabutihang mula sa pag-ibig. Sabihin mo sa kanila ang iyong unang pag-ibig at kung ano ang nangyari noong ibinigay mo ang iyong buhay sa Kanya. Kung paano Niyang binago ang iyong buhay mula sa loob at labas, at kung gaano Siya katapat. Sabihin mo sa kanila na hanapin at katagpuin si Hesus. Sabihin mo sa kanilang mahalin Siya. Turuan mo sila kung paano maging Kanya. Ipinagdiriwang ng Diyos Ama ang kaarawan ng Kanyang Anak at oo, nais Niyang ipagdiwang mo rin ito!
Ang Pasko ay hindi patungkol sa mga luho sa mga “materyal na bagay,” hindi ito patungkol lamang sa shopping o pagpapalitan ng regalo. Katulad ng kasabihan, “Panatilihin si Kristo sa Pasko” (Keep Christ in Christmas). Nais ng Diyos na ipagdiwang mo ang Pasko ngunit ang mga paganong bagay at diyus-diyusan ay dapat iwanan at si Kristo ang dapat na sentro ng lahat ng bagay. Tumingin ka sa katotohanan sa likod ng mga tradisyon.
Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
1 Mga Taga-Tesalonica 5:21-22.