May dalawang uri ng church sa ngayon: ang church ni Kristo at ang church na tao lamang ang nagtayo. Ang totoong church ni Kristo ay hindi ipinanganak sa kagustuhan ng tao kundi sa kalooban ng Diyos. “At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya” (Mateo 16:18). Kaya ang tunay na church ay itinayo ni Kristo at Siya lamang ang ulo nito (Efeso 1:22; 5:23).
Bilang isang pastor, napagtanto ko kung paano natin tignan bilang mga pastor ang ating mga ginagawa bilang isang dakila at malalaking mga bagay para sa Kaharian ng Diyos ngunit ang realidad, ang sasabihin ng Panginoon kapag Siya’y tumingin ay, “Hindi kita kilala” (Lucas 13:27). Nagulat ako sa isang gabing may harap-harapan kaming engkwentro sa Panginoon, nagsimula Siyang magkwento sa akin ng Kanyang pananaw sa kondisyon ng mga churches sa ngayon! Nagsalita ang Panginoon patungkol sa mga bagay na ito sa panahon ng Setyembre 12-14, 2013. Noong nagsimulang magsalita ang Panginoon patungkol sa mga churches at sa mga pastor bilang kabuuan, ang Kanyang boses at mukha ay nag-iba. Nagsalita Siya ng may kapangyarihan, awtoridad, banal na poot at hindi pagsang-ayon sa mga nangyayari ngayon sa church. Ito’y aking narinig, nanginig, at nangatog! Nadurog at nagkapira-piraso ang Kanyang puso sa kondisyon ng church ngayon — ang church na Kanyang minamahal at inialay ang Kanyang sarili upang mamatay! Sinabi Niya sa aking itanong sa mga pastor ang, “Sino ang Hesus mo?” Sinabi Niyang maraming pastor ang nagkokompromiso, naglilingkod sa demonyo na tinatawag nilang Hesus!!! Sinabi Niyang maraming mga pastor ang hindi kalugud-lugod sa Kanya at karamihan sa mga pastor ay hindi ginagawa ang Kanyang kalooban! Ang ekspektasyon ng Diyos ay mas mataas pa sa iniisip ng karamihan! Kaya kung nasaan ka man, mga anak ng Diyos – Itaas mo ang pamantayan ng iyong panalangin, pagsamba, at dedikasyon sa Panginoon.
Mga Katangian ng Isang Tunay na Church — na Itinayo ni Hesus
- Ito’y isang church na nagtatagumpay Laban sa Tarangkahan ng Impyerno: Hindi ito matatawag na church hanggat hindi nito napagtatagumpayan ang tarangkahan ng impyerno! Noong nagpakita ang Panginoon sa aming church, may binigay Siyang isang personal na mensahe sa unang araw pa lamang, at sinabi Niya ito ng 5 beses, “Ang tarangkahan ng impyerno ay hindi magtatagumpay.” Bago ang mga bisitasyon sa Panginoon, ito ang slogan ng aming church at isa sa mga paborito kong bersikulo na aking isinisigaw ng maraming beses tuwing nananalangin. Ang tunay na church ni Kristo ay buhay na buhay sa kapangyarihan at sigasig na nagpapangatog sa mga demonyo. Ngunit saan nagmumula ang kapangyarihang ito? Ibinibigay ito sa pamamagitan ng malalalim na panalangin at pamamagitan (intercession); ang pag-aalay ng iyong sariling buhay sa Panginoon upang Siya na ang mamuhay sa iyo. Simula noong taong 2009, ipinagkaloob sa amin ng Diyos ang awtoridad na ito kung saan nagsimulang mag-manifest ang mga demonyo sa aming mga servises, kahit na kapapasok pa lamang sa aming building, o kahit sa mga pagkakataong walang panalanging nagaganap o walang tugtog. Pagkatapos ay palalayasin namin ang mga demonyong ito at tuturuan ang mga tao kung paano mapapanatili ang kanilang kalayaan. “Ngunit kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos” (Mateo 12:28). Mula sa oras na iyon, ang pagapapalayas ng demonyo (deliverance) ang isa sa naging araw-araw na aming ministeryo.
- Ito’y isang church na malalim na nananalangin: “Hindi ba’t nasusulat, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa?’ (Marco 11:17). Ang aming church ay nagkikita-kita gabi-gabi at iisang nananalangin ng sama-sama. Maingat naming sinusunod ang mga oras ng panalangin na ibinigay sa amin ng Panginoon. Ngayong tao’y nagpasalamat sa amin ang Panginoon sa paggawa para sa Kanya ng isang magandang tahanan.
- Ito’y isang church na nangangaral sa buong konseho ng Diyos: Ang tunay na church ay magtuturo sa iyo ng parehong kabutihan at kalupitan ng Diyos (Roma 11:22). Hindi ito isang church na ang ipinapangaral lamang ay ang habag, pag-ibig, at kabutihan ng Diyos at buong ipinagpapaliban ang pagbibigay sa iyo ng babala sa kabayaran bg kasalanan. Kaya, ituturo sa iyo ng tunay na church ang obserbahan ang lahat ng batas at utos ng Diyos. Tuturuan ka nito patungkol sa langit at ipapakita kung paano sumunod sa makipot na daan papunta doon; at bibigyan ka din ng babala patungkol sa impyerno at kay satanas, ang napopoot sa Diyos at sa sangkatauhan. Sa oras na ika’y ipinanganak sa mundo, ika’y nakalagay na kaagad sa isang gera – napakahalagang matuto kang lumaban, malaman ang iyong Tagapagligtas at ang iyong kaaway. Sasawayin ng tunay na church ang kasalanan, tuturuan at palalakasin ang iyong loob na manalangin at mamuhay ng banal.
- Ito’y isang church na nagpapalaganap ng Salita ng Diyos at inaabot ang mga nawawala: Ang pag-abot sa mga nawawala ang pinaka-importanteng bagay na nasa puso ng Diyos. Hindi inaaprubahan ng Panginoon ang mga churches na hindi lumalabas sa kalsada at inaabot ang mga nawawala. Nais ng Diyos na ang pastor ang naging tagapanguna sa panalangin at street outreaches.
- Ito’y isang church na may kapangyarihan at awtoridad galing sa Diyos: Sa tunay na church, ipagkakaloob ng Diyos ang awtoridad: “upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga maykapangyarihan sa sangkalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos.” (Efeso 3:10)
Tayo ngayo’y nasa mundo! Isang lugar na napakasama kung saan walang isang taong perpekto. Kapag tayo’y nakapunta na sa langit, tayo’y magiging perpekto. Ang imperpektong parte mo ay wala na sa langit. Sa kaparehong paraan na walang perpekto sa mundo, gayundin sa church. Walang perpektong church sa planeta kung ika’y titingin sa pamantayan ng tao – Ngunit, ang church na matiyagang hinahanap ang Diyos, pinapangunahan ang mga kaluluwa sa lagit at inaabot ang mga naliligaw ng may aksyon ay ang church na nakalulugod sa Diyos at Siya’y dumarating at ginagawang tahanan ang ganitong uri ng church.
Nais ng Diyos na ang bawat isa sa Kanyang mga anak ay magkaroon ng ligtas na church na matatawag nilang kanilang tahanan. Ngunit sa panahong bumisita ang Panginoon at nakipag-usap sa akin patungkol sa church, sinabi Niyang hindi ito ang nangyayari sa ngayon sapagkat maraming churches ang nacorrupt sa puntong ang kaligtasan ng marami’y nanganganib/nailagay na sa panganib! Ang artikulong ito’y naisulat hindi upang umalis ka sa iyong church o magrebelde sa awtoridad sa church ngunit upang bigyang-gabay ang maraming naliligaw na tupang walang mga pastol.
Tinanong ko ang Panginoon, “Panginoon, paano naman silang mananampalatayang nagmamahal sa iyo ngunit hindi nakakita ng isang tunay na church? Panginoon nais mo bang ang lahat ay may pisikal na church?” Sumagot ang Panginoon, “Iyan ang nais Ko. Nais kong magkaroon ng church na ligtas, banal at totoo katulad ng Blazing Holy Fire o katulad ng isang tunay na nangangaral ng Salita ng Diyos, isang tunay na mapagmahal na church na ligtas para sa lahat bg Aking mga anak. Ngunit hindi, kakaunti lamang sila! Maaaring dumami ito ngunit sa ngayo’y kaunti pa lamang sila. [Ako’y humihingi ng tawad sa mga nasaktan ang sinuman dito, isinusulat ko lamang kung ano ang sinabi sa akin ng Panginoon]. Nagpatuloy ang Panginoon, “Hindi dahil wala sa iaang church ang isang tao, hindi ibig sabihing wala na sila sa presensya ng Diyos. Kung hindi sila makahanap ng church na ligtas para sa kanilang kaligtasan, Ako ang nagiging church nila. Ako ang accountable para sa kanila. Ako ang nagpapalakas ng kanilang loob, ang nakikipag-fellowship sa kanila, at naglalaan ng oras para sa kanila, ngunit mangyayari lamang ito kung hinahanap nila ako ng mas maigi pa kaysa sa isang normal na church!” Sinabi ng Panginoon na kailangan nilang hanapin pa Siya ng mas maigu kaysa sa paghahanap nila noon nasa isang normal na church sila, habang idinagdag ang, “Mabilis manakaw ang hindi binabantayan!”
Kung ika’y hindi nakakapunta sa church:
(Siguraduhing ang Panginoon ang naggabay sa iyong umalis dahil ginagawa kang maligamgam ng church o kaya’y ikaw ay inililigaw. Siguraduhing hindi rebelyon ang dahilan o panlilinlang kaya ka umalis. Mayroong ding mga taong nakatira sa mga lugar kung saan sila’y inuusig ng matindi kaya ang pagpunta sa church ay imposible. Ang mga bagong Kristyano (mga naligtas nang wala pang 3 taon ang nakalipas) ay dapat mayroong church bilang kanilang tahanan.)
- Magkaroon ng iskedyul ng araw-araw na panalangin na iyong susundin na para bang ika’y nasa tunay na church.
- Magkaroon ng espasyo para sa iyong pananalangin na gagamiting lugar kung saan ka makikipagkita sa Diyos.
- Magbahagi ng Salita ng Diyos atleast 3 beses sa isang linggo. Kung hindi mo alam kung paano, kontakin mo kami.
- Magbasa ng Bibliya, atleast 10 kabanata kada araw.
- Magkaroon ng panalangin, pagsamba (worship), at pag-aaral ng Salita ng Diyos sa iyong tahanan.
- Ipadala ang iyong tithes and offering sa isang ministeryong nagpapakain sa iyobg espiriteal at tumulong sa iyo sa iyong lakad kasama ang Panginoon. Maaari mo kaming kontakin, kung nais mong gawing tahanan ang aming ministeryo.
- Sundin ang mga batas at utos ng Panginoon (Salita ng Diyos).
- Magkaroon ng iskedyul sa mga pagtulong sa labas ng iyong tahanan. Isang suhestiyon: pag-abot sa mga nasa kalsada, pagbisita sa mga may sakit, matatanda at mga ampon, mga balo, preso… Madaling umupo na lamang sa bahay at maging komportable. Siguraduhing ika’y may ginagawang aksyon. Huwag mong hayaang may humadlang sa iskedyul na ibinigay sa iyo ng Diyos.
- Mag-ingat ka sa mga maling katuruan, napakaraming mga kasinungalingan at mga maling katuruan patungkol sa self-deliverance atbp… Pinakita sa akin ng Panginoon ang napakaraming mga websites at kung paano ito napasok ng kaaway. Magkakaroon ng artikulo patungkol dito ngunit sa kabuuan, mag-ingat sa pagsunod sa sinumang kung saan hindi mo alam ang kanilang bunga o walang bunga ng espiritu.
- Hanapin ang Panginoon ng buong tiyaga, buong-pusong sumunod at mag-enjoy ka sa iyong lakbayin!
Ano ang gampanin ng pastor at sa itinalaga Niyang awtoridad?
Ito’y maibubuod ng ganito, “At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y mga ebanghelista, at ang iba’y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.” Efeso 4:11-13
Ngunit sinasabi ng ibang tao, “Sa Diyos ako nakikinig at ang Panginoon lamang ang aking sinusunod, hindi ko kailangang maging accountable pa sa Pastor!” Kaya bang mahalin ng sinuman ang Diyos na hindi niya nakikita kung hindi niya kayang mahalin ang kanyang kapwa na kanyang nakikita? Kaya bang sundin ng sinuman ang Diyos na hindi niya nakikita kung hindi naman niya sinusunod ang awtoridad na Kanyang itinalaga? Nawa’y mabigyan ka ng babala na kapag ika’y pumupunta sa isang church na ginagabayan ka papuntang langit, gagawin ng dyablo ang lahat upang umalis ka dito. Gagamit siya ng mga kasinungalingan, panlilinlang, etbp… mag-ingat ka sapagkat maraming hindi nagtatagumpay dito! Kahit ano pa man ang mangyari, kung ika’y nakahanap na ng ganitong church – ginagabayan ka papuntang langit, sumunod ka sa pastor at sa awtoridad.
Ang Diyos na pumili kay Moises ang Diyos na namimili ngayon ng mga pastor, guro, propeta. Ang Diyos ang nagtatalaga ng mga pastor at lider sa loob ng church. Bago pumunta sa sa langit, sinabi ni Hesus kay Pedro, “Alagaan mo ang Aking mga Tupa” Juan 21:15-17. Ngayo’y hindi pa rin ito nagbabago! Nabubuhay si Hesus sa loob ng pastor na Kanyang tinawag at buong nagpapasailalim sa Kanya. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pastor, si Hesus na Dakilang Guro mismo ang nagtuturo sa iyo, na Kanyang tupa – Pinagpala kang nakaririnig at sumusunid sa mga utos ng Diyos!
Importanteng Maniwala sa Totoong Propeta ng Diyos
“Kung talagang naniniwala kayo kay Moises, maniniwala din kayo sa akin, sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. Ngunit kung hindi kayo naniniwala sa mga isinulat niya, paano kayo maniniwala sa mga sinasabi ko?” Juan 5:46-47. Tinanggihan ng mga Hudyo si Hesus sapagkat sa una pa lang ay tinanggihan na nila si Moises na nagsulat patungkol sa Kanya. Kapag ang isa’y tumanggi sa mga katuruan ng propetang ipinadala ng Diyos, hindi nila kayang tanggapin kahit na si Hesus ay makikipag-usap sa kanila ng harap-harapan.
“Ang lahat ng mga taong nakarinig sa kanya, pati na ang mga maniningil ng buwis ay nagpuri sa Diyos. Ang mga ito’y binautismuhan ni Juan. Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa kanila sapagkat ayaw nilang magpabautismo kay Juan” Lucas 7:29-30. Hindi naniwala ang mga Pariseo kay Juan at tinanggihan pa nilang magpabautismo sa pamamagitan Niya, dahil dito’y tinanggihan nilang maging handa at dahil din dito, hindi nila pinaniwalaan si Hesus kahit na pumunta ito sa kanila ng harap-harapan!
Anong gagawin kapag ang totoong propeta o pastor ay nacorrupt at nalinlang?
Sa kasamaang palad, tayo’y nasa mga araw na kung saan pati ang nga Pinili ay nalilinlang. Nasa mga araw na tayo kung saan minsa’y ang mga totoong propeta’y naliligaw at nagiging mga bulaang propeta. Ang totoong lingkod ng Diyos ay nalilinlang ngunit gusto pa ding maging tagapanguna.
Hindi nais ni HESUS ba sumunod ka sa isang lider na nalinlang o lider na bumagsak at ayaw magsisisi ng buong puso. “… At kapag ang bulag ay nag-akay ng kapwa bulag, pareho silang malalaglag.”
Mabuti para sa’yo ang makahanap ng isang tunay na church, kung ika’y mananalangin, gagabayan ka ng Diyos. Kapag inilagay ka na ng Diyos sa isang church, mag-ingat sa paglilingkod sa Diyos at sumunod sa iyong pastor! Kapag tayo’y ipinanganak nang muli sa pamilya ng Diyos, nagsisimula tayo sa isang paglalakbay — isang mahabang paglalakbay patungo sa langit. Ang paglalakbay na ito’y puno ng pagkakamali, pagsubok, paghihirap na kung saan marami sa nga Kristyano ang hindi nakakaabot sa langit! Iaang gampanin ng isang pastor ay ang gabayan ka sa paglalakbay na ito upang makapunta ka sa langit. Ang tunay na pastol ay isang nag-aalaga sa mga tupa, itinuturo ka papunta kay Hesus. Ang tunay na pastol ay siyang nagpapasiklab pa sa iyong manalangin pa, sumunod pa, humingi ng kapatawaran, sumunod sa mga batas at utos ng Diyos. HUWAG NA HUWAG kang susunod sa isang pastor na hindi ka papupuntahin sa langit.
#bulaangpropeta
#panlilinlang
#pekengchurch
#lider
#leadership