Espiritwal na Awtoridad (Part 1)

Mula sa Genesis hanggang sa Pahayag, makikita natin na ang Diyos ay Diyos ng Kaayusan! Makikita nating may mga ranggo sa Kaharian ng Diyos. May mga ranggo sa mga anghel ng Diyos. Ang Diyos na nagtatag ng awtoridad sa langit ang nagtatag din nito sa lupa. Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang lahat ng awtoridad ay galing sa Diyos (Romans 13:1). Ang espiritwal na awtoridad ay hindi sa atin upang ibigay o kuhain! Ang espiritwal na awtoridad ay ibinigay galing sa Diyos, hindi ipinagpapalagay (assumed)! Sa militar, ang awtoridad ay nakakamit at ibinibigay sa iyo. Hindi ka maaaring maging heneral kung kahapo’y katatapos mo lamang sa kampo ng pag-eensayo. Ang daan sa pagkakaroon ng ranggo sa Kaharian ng Diyos ay tanda ng maraming taon ng pagiging tapat sa paglilingkod, mga taon ng pagsubok, paghihirap, katagumpayan at pagkapanalo. Sa lakbaying ito bilang mananampalataya, may mga bagay na matututunan lamang natin sa pamamagitan ng mga karanasan at sa paglipas ng panahon. Hindi maaaring kaliligtas mo pa lamang at pagkatapos ng 1 taon ay gagamitin ka na ng Diyos upang itama ang pastor. Hindi ka magsisimulang mag-aral pero ikaw ang magtuturo sa iyong guro. “Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro” (Lucas 6:40).

Kapag ikaw ay ligtas na, nais ng Diyos na makahanap ka ng lugar na iyong pagsisilbihan, pumailalim sa espiritwal na awtoridad, magpakumbaba at mamunga ng bunga ng espiritu at katapatan. Silang mga tapat sa maliliit na bagay ay ilalagay sa pamumuno ng mas malalaking bagay! 

Iniuutos ng Bibliya na sundin natin ang ating mga lider at magpasakop sa kanila (Hebreo 13:17). Kapag hindi tunay ang pagpapasakop sa awtoridad ng Diyos, ang pintua’y nakabukas sa rebelyon (2 Tesalonica 2:10). Ang rebelyon ang isang kasalanang walang pagtubos ng Diyos. Hindi ito sakop ng dugo (ni Hesus). Ang rebelyon ay ang pagtanggi ng katapatang-loob o paglaban sa awtoridad ng sinumang awtoridad ang namumuno sa iyo. Paano magpapasakop ang isang tao sa Diyos na hindi nakikita kung hindi naman siya nagpapasakop sa itinalaga ng Diyos? Itinanggi ng mga lider na Hudyo si Hesus dahil sa una pa lang tinanggihan na nila ang Kanyang propetang si Moses (Juan 5:46). Ang pagrebelyon sa Diyos ay ang pagtalikod natin sa mga bagay na Kanyang ibinibigay: proteksyon, pagpapala, pag-ibig at mga pangako. Sa buong Bibliya, malinaw na inilatag ng Diyos ang lubus-lubusang pagpapala na darating kung tayo’y magpapasakop lubusan sa Kanyang kontrol, at ang mga sumpang paparating kung tayo’y tatanggi o magrerebelde laban sa Kanya.

Kapag tayo’y nagrebelde sa Diyos, inuumpisahan nating tahakin ang landas palabas sa Kanyang covering (1 Corinto 10).

Noong tayo’y ipinanganak sa mundong ito, binigyan tayo ng Diyos ng mga magulang dito sa mundo na magpapalaki at magdidisiplina sa atin ng nararapat. Walang anak na lalago ng walang mapagmahal na pag-aalaga ng kanilang mga magulang. Walang anak na magkakaroon ng kinabukasan at pag-asa kung hindi nila nirerespeto at sinusunod ang kanilang mga magulang. Iniuutos ng Bibliya sa ating, “IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA (ito ang unang utos na may kalakip na pangako), UPANG MAGING MAGANDA AT MAHABA ANG IYONG BUHAY SA LUPA” (Efeso 6:2-3).

Nang tayo’y nabuhay muli (born again) sa Kaharian ng Diyos, ang Diyos na naglagay sa atin sa ating pamilya, ang siyang Diyos na naglagay sa atin sa ilalim ng pag-aalaga ng nakatalagang espiritwal na awtoridad. Sinasabi ng Bibliya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila’y nararapat sa parusa” (Roma 13:1-2). Importanteng sumunod sa iyong pastor at magpasakop sa kanila sapagkat sila’y alerto sa kondisyon ng iyong lakad-espiritwal, nagbabantay sila sa iyong kaluluwa bilang mga tagapanagutan sa ilalim ng striktong pangangasiwa ng Diyos (Hebreo 13:17). Sa isang hukbo, ang mga sundalo’y taimtin na nanunumpa na sundin ang utos ng mga hepe at ang mga utos ng mga opisyal na inatasan sa kanila. Ang pagsuway ay pinarurusahan ng batas at ang parusa’y matindi.

Mga Bilang 16:1-35 — Paglalantad sa Espiritu ni Korah

Anumang espiritung itinataas ang kanyang sarili laban sa itinalagang awtoridad ng Diyos, kahit ano pa man ang dahilan, ay isang espiritu ng rebelyon. Ang pag-atake sa pastor ang isang estratehiya ng kaaway upang wasakin ang mga churches dahil mangangalat ang mga tupa kung walang pastol (Mateo 26:31). Ito ang dahilan kung bakit ang bunga ng ganitong gawain sa bahay ng Diyos ay matinding inaaksyunan ng Diyos. Alam ng maraming mananampalataya ang kasulatang, “di dapat apihin ang kanyang hinirang, ang mga propetang mga lingkod niya’y hindi dapat saktan”, ngunit bakit nila hinahayaang gamitin sila ni satanas na magrebelde o mag-udyok ng rebelyon sa loob ng Katawan ni Kristo? Upang sila’y magamit, dumarating si satanas at bibigyan sila ng para bang makabanal na rason upang bigyang-katwiran ang rebelyong kanilang ginagawa…”alam mo, si sister ay pinabayaan ni pastor; hindi sila binibigyan ni pastor ng atensyon; isang linggo na ang lumipas, at hindi pa rin sila tinatawagan ni pastor atbp…” Ang demonyo’y nagsasalita sa kanila at binibigyan sila ng mga palatandaan na para bang wasto upang sumuway sa Salita ng Diyos ngunit may maganda bang rason para sumuway sa Salita ng Diyos?

Ang espiritu ni Korah ay mahilig magsulat ng mga liham/email sa pastor na nagrereklamo, naninisi, at nag-aakusa! Sinong nag-aakusa kundi si satanas? Sinong nagtuturo ng kanyang daliri kundi si satanas? Ang pagrereklamo, pagbulung-bulong, at pag-aakusa sa pastor ay mga signal ng maagang yugto na maaaring mapunta sa rebelyon ni Korah. Maaari kang magsulat ng mga liham na nagpapalakas ng loob ng iyong lider; maaari kang magbigay ng suhestisyon ngunit siguraduhin mong HINDI ITO NANINISI! Ang pagmamaktol ang dahilan kung bakit hindi nakapasok sa Lupang Pangako ang mga Israelita kahit na lahat sila’y ligtas na sa kamay ng pagkakaalipin at ni faraon!

Ano ang mga bagay na iyong maaaring gawin kung hindi maayos ang church:

  • Tumingin ka sa pamamagitan ng mata ni Kristo, mag-iiba ang iyong nakikita
  • Manalangin sapagkat ang panalangin ng matuwid ay maraming nagagawa
  • Madalas ang kulang ay ang iyong oportunidad na sumama at tumulong na tumayo sa puwang
  • Maaari kang magbigay ng maayos ng iyong suhestiyon ngunit siguraduhing wala kang sinisisi
  • Atbp.

Paano Kumikilos ang Espiritu ni Korah

GInagamit ng espiritung ito ang mga miyembro sa bahay ng Diyos. Si Korah at ang kanyang mga kasamahan ay mula sa mga Levita, mga taong pinili ng Diyos na tumulong sa mga pari, ngunit sila’y nainggit sa titulo ni Moises at Aaron. Ang espiritung ito’y naiinggit. Hindi ito nakukuntento. Silang mayroon nito’y tumatangging mahalin ng iba, tumatangging mahawakan, mapagaling, madeliver, atbp…kahit ano pa ang iyong gawin upang sila’y mahalin, ang reklamo ay patuloy pa din. Hindi makuntento ang Sheol (Libingan)! (Kawikaan 30:16).

Ganito ang pagkilos ng espiritu ni Korah: nagsisimula ito sa pagrereklamo sa mga maliliit na isyu. Habang ito’y nangyayari, naghahanap ito ng mga irerecruit na makikisama sa rebelyon sapagkat hindi nito kayang kumilos mag-isa. Ang mga biktima ng espiritung ito’y hindi masaya. Pagkatapos ay magsisimula itong pumunta sa mga bagong myembro, silang mga hindi pa masyadong involve sa church at silang mga mahihina pa at nagsisimula pa lang lumago sa pananampalataya. Pagkatapos nitong magtipon, magkakaroon ito ng mga sikretong pagpupulong at ang mga usapin ay patungkol sa church, pastor at espiritwal na awtoridad na itinalaga ng Diyos. Ikaw na mananampalataya, binabalaan ka ng Diyos na huwag maging parte ng grupong ito na nagtitipon upang magusap-usap ng negatibo patungkol sa church!

Si Korah at ang kanyang mga kasamahan ay kumontra kay Moises at Aaron (pastor o espiritwal na awtoridad) at inakusahan sila ng maling paggamit sa awtoridad na ibinigay ng Diyos. Sa mata ng Diyos, si Moises ay isang tuwid, inosente, at mabait na lingkod. Kaya ang espiritu ni Korah ay isang mapanlinlang na espiritu at palaging naghahanap ng maakusahan na mapagmahal, inosente at mabait na lingkod.

Mga Kasalanang Yayayain kang Gawin ng Espiritu ni Korah

  • Bulung-bulungan/pagrereklamo laban sa lingkod ng Diyos (11)
  • Paniniwala sa mga kasinungalingan na nagdadala sa panlilinlang (13);
  • Labanan ang lingkod ng Diyos na ang ibig sabihi’y paglaban mismo sa Diyos
  • Pagtanggi sa Panginoon (30);
  • Hindi pagsunod kay Moises (pastor) at dahil dito’y sa Diyos siya mismo hindi sumusunod (Mga Bilang 16:12)
  • Selos (10; Mga Kawikaan 106:16); pagmamataas; kasakiman, atbp…

Kapag kinakalaban mo ang pastor, red flag na ito para sa’yo. Si satanas ang kaaway, ang siyang humaharang at sumasalungat. Piliing lumakad sa PAG-IBIG, PAGPAPAKUMBABA, at PAGKAKAISA at ang makitang patuloy na lumalakad sa tatlong ito! 

Paano naman kung makita mo ang iyong sariling nasa samahan ni Korah

  • Magsisi agad at putulin ang koneksyon dito
  • Umalis sa tahanan ni Korah at ng mga kasamahan niya: humiwalay ka sa samahan ni Korah. Ang pakikisama sa kasalanan ng iba’y kasalanan din.
  • Silang mga walang pinapanigan ay paunti-unti ring nahuhulog sa samahan ni Korah, “Ang hindi panig sa akin ay laban sa Akin” (Mateo 12:30).
  • Huwag mong hawakan ang kahit na anong nagmumula kay Korah. Huwag sang-ayunan ang lahat o kahit na anong katuruan niya. Kung ito ma’y isang liham (o chat), huwag mong sabihing may kaunti naman itong katotohanan dito at dyan sa kanilang mga sinabi. Malinaw ang Bibliya, “Lumayo kayo sa mga tolda ng masasamang taong ito. Huwag ninyong hihipuin ang anumang ari-arian nila at baka kayo’y malipol na kasama nila dahil sa mga kasalanan nila” (Mga Bilang 16:26). 

Ang Kabayaran sa Rebelyon

Impyerno ang parusa kay Korah at sa kanyang mga kasamahan, ito ang dahilan kung bakit kinakailangan mong lumayo sa kanila, “Hindi pa halos natatapos sa pagsasalita si Moises ay bumuka na ang lupa, at nilulon nang buhay sina Korah pati ang kanilang mga pamilya at mga ari-arian. Silang lahat ay nalibing nang buháy. Muling nagsara ang lupa at hindi na sila nakita ng mga Israelita. Dahil dito, nagtakbuhan ang mga taong-bayan dahil sa kanilang nasaksihan. “Lumayo tayo rito!” ang sigawan nila. “Baka pati tayo’y lamunin ng lupa.” Pagkatapos nito’y nagpaulan ng apoy si Yahweh at sinunog ang 250 kasamahan ni Korah na nagsunog ng insenso.” Mga Bilang 16:31-35

Iba pang kasulatan: Mga Awit 105:15; Mga Bilang 12; Roma 14:4; 1 Corinto 4:1-5

Sa ating susunod na artikulo, pag-uusapan natin kung ano ano nais sabihin ng Panginoon sa mga taong umiibig sa Kanya, lumalakad ng may pagsunod ngunit hindi pa sila makakita ng church na ligtas para sa kanilang kaligtasan. Ang church bang iyong kinabibilangan ay aprubado ng Panginoon? Ito ba’y isang church kung saan ang pastor ay nagtatrabaho upang gabayan ang mga kaluluwa sa langit? Kung hindi, huwag ka nang manatili pa. Ngunit kung oo, manatili ka at lubos na magpasakop sa itinalagang awtoridad ng Diyos! 

#panlilinlang #awtoridad #leader

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: