Ang Panlilinlang (Deception Part 2)

Ang Espiritu ng Panlilinlang Laban sa Church/Prayer Groups

Kayo ba ay isang top praying church?

Kabilang ba kayo sa mga grupo ng mga prayer warriors na nagkikita-kita araw-araw upang manalangin, mag-intercede at makipag-warfare? Sa mga lingkod ng Diyos at mga miyembro ng church o grupo, pakiusap makinig kayo sa babala, si satanas ay may plano sa inyo! Alam niya na napipigilan ang kanyang mga gawa sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga nagkakaisang saints, kaya naman siya’y dumarating upang magkabuklod-buklod ito at mawatak. Pakiusap, alalahanin ninyo na ang Diyos ang naglagay sa inyo sa isang partikular na lugar – sa Kaharian ng Diyos dito sa lupa na kung saan ang Kanyang kalooban ay dapat na mangyari gaya ng sa langit. Ikaw ay determinadong hanapin ang Panginoon ng buong puso, at ginawa na ni satanas ang lahat ng kanyang makakaya para makuha ka pero hindi siya makalagpas sa malakas na proteksyon ng Diyos na inilagay Niya sa iyo na Kanyang house of prayer! Ngayo’y susubukan ni satanas na dayain ka, upang ikaw ay umalis at kapag ika’y nag-iisa na, may pagkakataon na siyang kuhanin ka. Kahit na ano pa ang kabayaran, huwag mong hayaan na siya’y magtagumpay; huwag mong hayaan na alisin ka niya sa isang praying church at huwag mong hayaan na gamitin ka niya para magdulot ng pagkasira o pagkakabaha-bahagi sa church – Ito ay patungkol sa Kaharian ng Diyos, huwag ingatan ang pansarili lamang na interes.

Bawat isa’y dapat maunawaan na ITO AY ISANG DIGMAAN! Kailangan nating tumayo, tanggihan natin ang diyablo ng buong lakas, lumaban at manalo. Hindi iniiwan ng Diyos ang kanyang mga sundalong nasa digmaan. Ang Diyos ang nagbibigay ng katagumpayan sa Kanyang mga sundalong hindi sumusuko – Noong nakaraang linggo, pinaalala Niya sa amin na “Ako ay Malaki! Ako ay Diyos!” Oo, si Hesus lamang ang Diyos!

Hindi gusto ng kaaway ang isang praying church – Ako ay nagsasalita sa inyo mga Lingkod ng Diyos, ‘huwag mong hayaang manalo ang diyablo!’

Ako’y nagsasalita sa inyo mga tupa ni Hesus, ‘huwag kayong papayag na umalis sa isang praying church o grupo’. Kapag panahon na upang umalis/umabante, ikaw ay aalis ng may kapayapaan, may mga bunga ng espiritu at mga pagpapala.

At saka, ayaw ni satanas na mabuksan ang iyong espiriwal na mata, sapagkat alam niya na kapag nakakakita ka na, ipahahayag mo ito. Alam niya na ilalantad mo siya sa mga tao upang maprotektahan nila ang kanilang sarilli sa kilalang kaaway. Ayaw niyang mabuksan ang iyong espiritwal na mata, upang makita mo ang langit at impyerno at sa gayo’y ilantad ang kanyang mga sikreto. Siya’y dumarating sa prayer group para magnakaw, pumatay at manira. Dadating din siya upang nakawin ang mga regalong kaloob ng Diyos sa bawat isa at pasamain ang mga anak ng Diyos. Naaalala ko isang gabi na kung paaanong binalaan ako ng Panginoon “ Ngunit kailangan mong malaman – na susubukan ng kaaway na mandaya at magnakaw ng mga gifts…” Sinabi ng Panginoon ang ganitong mga salita, at mula sa aking mga mata, ipinakita Niya ang isang halimbawa. Isang prayer warrior na bukas ang mga mata ang nasa impyerno. Doon, siya’y pinahihirapan ni satanas, dinukot ang kanyang mga mata at sinabi ng Panginoon “Mayroon siya ng Aking mga mata, pero tignan mo’t kinakain ito ng kaaway” Walang takot si satanas na nakawin ang banal at pag-aari ng Panginoon. Pinaalala ng Panginoon sa amin, “Ang hindi binabantayan ay madaling mananakaw!” Napakimportante na bantayan ang mga regalong kaloob ng Diyos, maging alisto at manalangin sa lahat ng pagkakataon.

Kapag ikaw ay bahagi ng isang powerful fire praying church – tumanggi kang yumuko kay satanas, tumanggi kang umalis! Wala siyang pagkakataon na madaya ang mga nagpapasakop sa maka-Diyos na awtoridad at napapaligiran ng mga tunay na lingkod ng Diyos!

Paano kumikilos ang Espiritu ng Panlilinlang sa Bahay ng Diyos

Ang Aking bahay ay tatawaging Bahay-Panalanginan (Mateo 21:13)

A. Noon

Si satanas ay nage-espiya at alam kung sino ang mga tunay na naghahanap sa Diyos at kung sino ang mga hindi seryoso sa church. Alam niya kung sino ang mga mahihina at ang nahihilig na madaya. Ang pandaraya ay mabilis na nangyayari. Katulad ito ng kidlat na hindi alam kung saan nanggagaling, tumatama at pagkatapos ay wala na, ganito din ang pagkilos ng espiritu ng panlilinlang o pandaraya! Ito ay mabilis na dumadating at dinadaya ang mga tao, nangungumbinsi ito na umalis sa praying church o grupo at lumabas dito. Ang dahilan kung bakit ang espiritung ito ay mabilis na kumikilos ay, alam nito na may kapangyarihan ang mga fire praying churches, sapat na kapangyarihan upang palayasin ito. Kaya isinusugo ni satanas ang ganitong espiritu upang gawin ang trabaho nito at pagkatapos ay mabilis na aalis. Itinuro sa amin ng Panginoon na ang buto ng pandaraya ay maagang naitatanim. Ang buto’y maaaring hindi lumaki sa matagal na panahon, hanggang sa ito’y mapakain, mainitan at madiligan. Si Hesus lamang ang nag-iisang makakapagpakain sa atin ng bukal ng tubig at ng Tinapay ng Buhay. Si satanas ang nagpapakain sa buto ng pandaraya sa pamamagitan ng kadiliman o kasamaan.

Ano Ang Nagpapakain Sa Pandaraya

  • Ang pagmamataas at huwad na pagpapakumbaba
  • Ang paniniwala ng mga kasinungalingan
  • Ang hindi pagtanggap ng pagtutuwid at hindi pagpapasakop sa espirituwal na awtoridad
  • Ang pagkakaroon ng natitipuhang guro na nagsasabi ng mga bagay na maganda sa pandinig! Mag-ingat sa mga bulaang propeta!
  • Ang hindi pagtanggap ng pagdidisiplina
  • Ang hindi pagsunod at lumalakad sa rebelyon
  • Ang palaging natutulak ng makasariling ambisyon at patuloy na gumagawa ng sariling kalooban
  • Ang kakulangan sa pagbatid o lack of discernment lalo na sa mga nakabukas ang mga espiritwal na mata
  • Ang mga bukas na pintuan o mga di-pinagsisihang mga kasalanan
  • Ang pagiging mapagmataas sa sariling katagumpayan, degrees, kayamanan sa mundo at ang palaging gusto na pag-usapan ang sarili

Kung matagpuan sa atin ang isa sa mga ito, kailangan nating magsisi agad ng isang tunay na PAGSISISI.

“Ang PAGSISISI ay nagtatanggal ng kandado sa mga puso upang magkaroon ang Panginoon ng daan, makapasok at mapalaya ang mga bilanggo nito.” Bunutin at tanggalin ang kahit na anong buto ng pandaraya at iwasan ang mga bagay na maaring magpakain dito.

Solusyon

Bunutin at tanggalin ang kahit na anong uri ng buto ng pandaraya at iwasan ang mga bagay na maaring magpakain dito.

Para sa mga tupa ng Diyos: Huwag kaagad aalis sa isang church o ng prayer group. Kapag ito ay ginawa ng mabilisan, ito ay hindi sa Diyos sapagkat ang Diyos ay matiyaga. Hindi Siya isang Diyos na mamadaliin ka ngunit ang gusto Niya’y suriin mo ang bawat espiritu. Nais Niyang masanay ka sa pagiging matiyaga hanggang sa gabayan ka Niya. Binibigyan ka ng Diyos ng oras para manalangin, ang mag-intay sa Kanya. Kapag dumating na ang takdang panahon, papatnubayan ka ng Diyos at kikilos Siya sa paghakbang mo. Hindi gusto ni satanas na manalangin ka at maghintay patungkol dito sapagkat alam niyang siya’y malalantad kapag ginawa mo ito. Kaya nga linangin mo ang pagiging matiyaga. Huwag mo ring hayaan ang kahit na sino na magsalita ng mga negatibong bagay patungkol sa mga kapatid sa Panginoon.

Sa mga lingkod ng Diyos: Dahil ang espiritu na ito ay umaatake at kumikilos ng mabilis, labanan natin ito bago pa man sila makaatake sa mga tupa

  • Ituro sa mga tupa ang patungkol sa espiritu ng pandaraya
  • Maging isang halimbawa ng isang mapagpakumbabang lingkod/alipin
  • Turuan ang lahat ng miyembro kung paanong lumakad ng may tunay na pagpapakumbaba

Ang Pagkilos ng Pandaraya

Ito’y maaaring magsimula sa isang tinig, vision at sa maraming pagkakataon ay naimpluwensyahan ng mga nadaya na! Huwag mong hayaan ang kahit na sino na magsalita ng negatibong bagay patungkol sa mga kapatid sa Panginoon. Kapag nakakita ka ng pangitain o vision suriin mo ang espiritu nito sapagkat si satanas ay maaari ding magbigay ng pangitain. Ang pangitaing kontra sa Salita ng Diyos, ang pangitaing hindi nagpapakita ng bunga ng espiritu, kahit na ito ay nanggaling sa isa sa mga pinagkakatiwalaan mo – ibasura mo ito. Ang mga pangitain o visions ay dapat na nakalinya sa Salita ng Diyos. Gamitin mo ang iyong discernment sa kahit na anong tinig na naririnig mo o mga pangitain/visions na nakikita mo.

Ang pandaraya ang nagbubukod sa mga tao. Sa nakabukod na lugar, magsisimulang magsalita ng malakas ang boses ni satanas sa kanila. Ang Panginoon ang nagtakda ng oras ng pananalangin namin. Naglagay din siya ng oras para sa breaks upang kami’y magsama-sama at magkaroon ng fellowship. May kagalingan na dumadaloy habang kami’y nasa fellowship at nagpapalakasan ng bawat isa. Kapag may isang bumubukod palagi ng kanyang sarili, pakiusap ipanalangin mo sila at payuhan. Kung kinakailangan, gawin ang deliverance.

Ilang mga Halimbawa ng Panlilinlang/Pandaraya/Deception:

  • May narinig akong tinig na nagsasabing umalis na ako sa pananalangin ngayon…
  • Nakakita ako ng demonyo sa church na ito habang nananalangin kaya kailangan ko nang umalis ngayon (kapag binuksan ng Diyos ang iyong spiritual eyes, makikita mo ang mabuti at masama) kaya hindi kinakailangang umalis dahil may nakita kang may demonyo sa isa sa mga miyembro o sa loob ng church. Sapagkat sa panahong ito sila’y halos makikita na kahit saan.
  • Ang espiritu ng deception ay nag-aakusa at laging humahanap ng masisisi. Kapag ang isang tao ay pumunta sa pastor o lider at nagbahagi ng pangitain o vision na nag-aakusa ng kapatid sa Panginoon, “Pinakita ng Diyos sa akin ang patungkol sa kapatid natin sa Panginoon, pero huwag mong sabihin sa iba (nag-aakusa ng kapatid sa Panginoon) pakiusap si satanas ay kumikilos sa kanya…” Sa aming kalagitnaan, hinihimok tayo ni Hesus na huwag magtago ng sikreto maliban na lamang kung sabihin ng Panginoon ito. Sinabi Niya sa amin, “Aking mga anak, hayaan ninyong gawin Ko kayong malinaw at see through katulad ng isang vase na gawa sa salamin nang sa gayon ay mapuno Ko kayo. Hinihiling Kong kayo’t maging Aking mga sisidlan.”
  • “Ang Banal na Espiritu lamang ang aking guro, hindi na ako makikinig sa pastor…” Lucas 16:29

Mag-ingat sa tinig na ang focus ay iyong sarili at nagpapakitang ang lahat ay hindi patas para sa iyo at nagreresulta na maawa ka sa sarili mo at mapunta ka sa mode ng pagiging makasarili/nakasentro sa sarili. Ang tinig na ipinopokus ka sa ibang tao… tandaan mo, hindi posible na nakapokus ka kay Hesus at sa iba. Sinasabi sa atin ni Hesus araw-araw, ‘Tumingin ka sa Akin, tumingin ka sa Akin.’ Ikaw ay ligtas sa kahit na anong kapahamakan kapag ikaw ay nakatingin kay Jesus.

Ang Pagmamahal, Pananalangin at Paniniwala

Kapag ang espiritung ito ay nakapasok sa kaluluwa at hindi nabantayan at hindi na cast out, at ito’y gagapang patungo sa puso, “Habang humahapon, nang mailagay ng diyablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon ang pagkakanulo sa Kanya” Juan 13. Isinasagawa ng isang tao ang mga bagay na napagdesisyonan ng kanyang puso na gawin. Palaging nananalo ang puso. Kaya napakaimportanteng maging maingat sa mga desisyong nagmumula sa puso.

Ang mga nadaya ay palaging umiiwas na makipag-usap sa mga pastor o mga lider sapagkat ang maka-Diyos na payo ay naglalantad sa masasamang espiritu na ito. Sila ay tumatangging tanggalin ang mga kaliskis sa kanilang mga mata. Sila’y tumatangging magsisi at tumalikod dito. Ang pagsisisi ang susi para mawala ang kandado sa puso ng sa gayon ay makalapit ang Panginoon, at ang mga tumatangging magsisi, ay tumatangging magbukas ng puso kay Hesus. Juan 3:19 “Hinahatulan sila dahil dumating ang Anak ng Diyos bilang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa dilim kaysa sa lumapit sa Kanya na nagbibigay-liwanag, dahil masama ang mga ginagawa nila. Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.” (Juan 3:19-20)

Walang nadadaya na hindi binalaan ng paulit-ulit ng Panginoon. Kapag sila’y binalaan na at hindi nakinig, ang kanilang mga puso ay nagiging matigas at patuloy na tatakbo patungo sa pandaraya o deception. Kung hindi sila magsisisi, aalisin sila ng diyablo sa pastulan at dadalhin sa lugar upang sakmalin ang mga ito. Juan 10

Gusto ng nagdudusa na may kasama, ngunit ang kasalanan ay hindi kayang nag-iisa. Ang mga taong nadaya na ng malalim ay naghahanap na ibang madadaya din at ililigaw. Kapag ginagawa ito ni satanas, alam niya kung sino ang mahina sa church kaya’t siya’y magsusugo dito ng mga nadaya para sa mga mahihina. Kapag ang isang tao ay nadaya na at hindi na nakikinig sa mga lider, pagpalain sila’t pakawalan. Sapagkat ang espiritu ng deception ay naipapasa, importante din sa mga tupa na pagpalain sila, pakawalan sila, at lumayo sa kanila habang sila’y hindi pa nagsisi.

Kapag nangyari na ang pandaraya, mahalin sila, ipanalangin sila ng matindi. Kapag nananalangin, pakatandaan na ang mga negatibong mga salita ay humahadlang sa pananampalataya. Ipanalangin, maniwala at magsalita ng buhay sa mga nadaya.

Ang Panganib ng Deception: Ang Istorya ni Jericho

Ipinahayag sa amin ng Panginoon ang isang lalake na nagngangalang Jericho, na ngayo’y naglilingkod na kay satanas at isa sa 11 na disipulong satanista (si satanas ay hindi maaaring magkaroon ng 12, ito ay sa Diyos lamang). Sa istoryang nabunyag sa amin, ang lalaking ito’y dating Kristiyano. Siya’y lumalakad dati sa miracle, signs and wonders. Siya ay dating tagasunod ni Hesus na nananalangin at sumasayaw kasama ang Panginoon. Ngayon, ang taong ito na dati’y lumalakad ng malapit sa Diyos ay naglilingkod na kay satanas! Tinanong naming ang Panginoon, “O, Panginoon, paano nangyari ito?” Ipinaliwanag sa amin na ito’y dahil sa pandaraya. Ang taong ito’y nadaya, paunti-unting bumabalik sa dating pamumuhay, nalubog sa kadayaan o deception hanggang sa ibinigay na niya ang sarili kay satanas upang maglingkod dito. Sa mga taong maaaring madaya ni satanas sa ngayon ay pwedeng madaya din sa panahon ng tatakan o mark of the beast. Binabalaan tayo ng Panginoon. Sila na tinatanggap ang pandaraya o deception ay kukuha ng tatak o mark of the beast sa kanilang nadayang kaisipan na ang kanilang tinatanggap ay galing sa Panginoon. Napakaimportanteng labanan ang ganitong uri ng espiritu at lumakad ng buong-buo sa liwanag ng Diyos at sa Kanyang Katotohanan. Ang espiritu ng deception ay may kapangyarihang dalhin ang mga tao sa impyerno at ang mga mananampalataya sa buong mundo ay tinatawag na magkaisang tumayo at labanan ang deception.

Ang deception ay may kapangyarihang dalhin ang mga tao sa impyerno kung saan hindi na sila makalalabas pa. Mahalin ang Katotohanan, yakapin ang Katotohanan, labanan ang deception gamit ang iyong buong lakas!

#panlilinlang #katotohanan #pagpapasakopsaDiyos

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: