
Kapag tinanong mo ang karamihan ng mga Kristyano—sila na ginawang Panginoon si Hesus sa kanilang buhay—sasabihin nila sa’yong ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mamuhay ng kalugud-lugod at mabigyang kapurihan ang Diyos, at iwasan ang lahat ng bagay na magbibigay-papuri sa diyablo.Ngunit marami sa mga taong ito—bago matapos ang buwan na ito—ay hayagan at nananabik pang magplano, makisama, at gumastos ng pera at talagang sabik na sabik na makilahok sa isang mataas na holiday ni Satanas.Ang Oktubre 31 ay Halloween. Kanino bang holiday ito? And sagot ay simple. Ang holiday na ito ay kay Satanas, ngunit ang mundo, kabilang na ang karamihan ng mga nananambahang Kristyano, ay walang kamalay-malay na nadaya upang makilahok dito. Isa ka ba sa kanila?Sa bibliya ni Satanas, isinulat ni Anton Lavey, pinuno ng Simbahan ni Satanas, sinasabing: “Pagkatapos ng kaarawan, ang dalawa sa pinakamahalagang holiday ni Satanas ay ang Walpurgis Night… at ang Halloween.”Si Satanas ay isang Dalubhasang Mandaraya, na masyado nang nagtagumpay na dayain ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang holiday na ito. Sa araw na hindi natin maaaring ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus o kumanta ng mga awiting pamPasko na binabanggit ang pangalan ni Hesus sa ating mga pampublikong paaralan, ang mismong mga silid-aralan na ito sa Hilagang Amerika ay literal na binabalot ng mga mangkukulam, paniki, multo, at mga jack-o-lanterns, at ang ating mga anak ay hinihimok pa na “magsaya” sa pagdiriwang ng Halloween.Ang Diyos ay Diyos ng Buhay, at ipinagdiriwang ang buhay sa mga Kristyanong holiday katulad ng Pasko at Araw ng muling Pagkabuhay. Ngunit patungkol nga ba saan ang Halloween? Kamatayan.Nang unang pasimulan ang Halloween, ito ay isang Celtic Festival na ipinangalan sa kanilang panginoong si Samhain (panginoon ng mga patay). Sa gabi ng Bagong Taon ng mga Celtic, Oktubre 31, sinasabing ipinadadala ni Samhain ang mga kaluluwa ng mga yumao (na isa na ngayong masasamang espiritu) upang bisitahin ang kanilang mga tahanan. Marami sa mga espiritu na ito ay nasa anyo na ng mangkukulam, multo, duwende, itim na mga pusa, at lahat ng uri ng mga demonyo. Para palayasin ang mga espiritung ito, nagtatago ang mga tao (sa takot) sa mga balat ng hayop (umaaasang magmumukha silang kasamahan ng mga espiritu) at nagpapasiga ng malaking apoy. Para maiwasan ang mga espiritu na magbigay-pinsala/kapilyuhan (trick) nag-iiwan ang mga tao ng mga regalong pagkain, katulad ng mansanas sa harapan ng kanilang mga bahay (treats).Noong sinaunang pagdiriwang, ang paring Druid ay naghahandog ng mga buhay na hayop at tao upang pasayahin si Samhain. Ang panghuhula ay isang importanteng parte ng pistang ito at ang hula ay nanggagaling sa mga nakikita nilang tira-tira sa kanilang mga hinandog.Kahit marami ng nagbago pagkatapos ng 2000 taon, hindi pa din nabago ang impluwensya ng pagdiriwang ng Halloween.Nang si Emperador Constantine ay naging Kristyano at ginawang opisyal na relihiyon ang Kristyanismo sa kanyang emperyo, sinubukan ng simbahan na “linisin” ang paganong selebrasyon ng Halloween sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang Oktubre 31 ay Araw ng mga Santo, ngunit matapos ang maraming taon naging kompromiso na ito na siyang dahilan ng mga nananampalataya na bigyang-katwiran ang patuloy na pakikilahok ng kanilang mga anak sa selebrasyon ng Halloween na nakatuon sa demonyo.Sa lipunan natin ngayon, na puno ng impluwensya ni Satanas na itinatago sa ngalan ng “pagsasaya (fun)” at “malayang ekspresyon (free expression)” patuloy pa din ang pagbibigay-puri sa Halloween. Sa “Harvest Carnival” hinuhulaan pa rin nila ang hinaharap sa pamamagitan ng pagtawag sa mga patay na at ngayon, naglalagay tayo ng jack-o-lantern imbes na bonfire (malaking apoy) sa harapan ng bahay. Ang jack-o-lantern na kataga ay nangangahulugan ng hinatulan/mapapahamak na kaluluwa. Ang singkamas ay ginagamit ng mga Celts upang mag-ukit at sunugin ang mga personal na imahe ng mga masasamang espiritu, samantalang sa Hilagang Amerika, inangkop ito sa kalabasa. Kahit ang mga mananampalatayang walang kaalaman sa mas mahusay na dapat gawin ay nagdadamit para sa kanilang mga anak bilang isang mangkukulam, multo at mga espiritu at gumagawa ng mga larong magbahay-bahay para magtrick or treat.Marami ang hindi kinokonsidera ang kahulugan ng mga simbolong ito:MANGKUKULAM: isang may hindi pangkaraniwang kapangyarihang nagmula sa pakikipagkasundo sa mga masasamang espiritu. Isang taong gumagamit ng pagkukulam.PAGKUKULAM: ang paggamit ng mahika (magic).MULTO: isang hinihinalang naliligaw na kaluluwa ng namatay ng tao.DUWENDE (GOBLIN): isang masama at pilyong espiritu na inilalarawang pangit o sira ang anyo.Ito ba ay nagpapakita na ang Halloween ay hindi nakakakumbinsi at hindi isang selebrasyong inosente ang pagsasaya? Umaasa akong ganoon ang pananaw mo. Ngayon, sa buong mundo, sinumang miyembro ng kasunduan ng mga mangkukulam ay kinakailangang mag-alay ng atleast isang buhay ng tao tuwing Oktubre 31.At kung ang paggawa ng mapang-asar na laro sa selebrasyon ng mga patay kasama ang paghahandog ng buhay ng tao ay hindi sapat upang muli mong ikonsidera kung paano tinitignan ng iyong pamilya ang Hallloween, tayo ay tumingin ng isa pang aspeto—takot. Ang Halloween ay isang kinikilalang panahon ng mga kwentong malagim, katakot-takot na mga maskara, at mga “haunted house” (na minsa’y sineset-up pa mismo ng mga churches) upang magbigay ng takot sa mga tao.Ako ba’y gumagawa ng bundok mula sa isang burol? Sa iba, maaaring nagmumukhang labis labis ang pagkasigasig para gawing “big deal” ang isang lumang tradisyon. Ngunit kung iyong bibigyang-oras na bisitahin ang Bibliya, makikita mong ang Diyos mismo ay seryoso sa mga bagay na ito.Sa Deuteronomio 18 inutos Niyang: “Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang…nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway…o sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay KARUMALDUMAL sa Panginoon.”Ang Bibliya ay malinaw din sa usapin patungkol sa takot. “Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka’t ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig,” (1 Juan 4:18).Sa katunayan, sa Pahayag 21:8 ang matatakutin/duwag at manggagaway ay parehong nasa listahan ng mga may nakalaang lugar sa dagat-dagatang apoy. Ako’y maaaring magpatuloy pa ngunit malinaw dapat ang punto. Kinasusuklaman ng Diyos ang mga bagay na pinepresenta ng Halloween, at binalaan Niya tayo ng napakalinaw sa Kanyang Salita na dapat itong iwasan. Sa katunayan, sa Mga Taga-Efeso 5a:11, hindi lamang tayo binalaan na huwag makibahagi sa mga walang kapaki-pakinabang na mga gawa ng kadiliman (na samkatuwid, isang napakagandang depinisyon ng Halloween) ngunit sawatain (sawayin/pigilin) ito—gumawa ng aksyon patungkol dito o magsalita laban dito.Napakamapangahas natin bilang isang Kristyano, na payagan ang mga bagay na mismong kinasusuklaman ng Diyos sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagdiriwang ng Halloween? Sinasabi sa Kanyang Salita na napapahamak ang mga tao sa kakulangan ng kaalaman. Maaaring walang kaalam-alam kang nakikisama sa selebrasyon ng Halloween, na hindi napagtatantong hindi maka-Diyos at maka-Satanas talaga ito. Sa napakaraming taon, ako, katulad ng marami sa inyo, ay kabilang sa mga nalinlang na ang Halloween ay isang inosenteng pagsasaya lamang. Pinupuri ko ang Diyos na nalaman ko na ang katotohanan, humingi ng tawad sapagkat masyado akong handang nagpakahulog sa mapanlokong bitag ng kaaway, at ngayon hindi lamang iniiwasan ang mga walang kapaki-pakinabang na mga gawa ng kadiliman na matatagpuan sa Halloween, ngunit ginagawa ang lahat ng makakaya upang sawatain ito, sa pamamagitan ng pagsasalita laban dito.Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananagutan sa ating mga nalalaman. Ngayon alam mo na. Bawat tao ay kinakailangang gumawa ng sariling desisyon. Maaaring mahirap na tumayong salungat sa pinapaburan masyado ng mundo. Maaaring kailangan mong harapin ang pamilya at kaibigan mong hindi mananampalataya—o tiisin ang protesta/pagtutol ng iyong mga anak o mga apo. Ngunit sinasabi ng Salita na dapat tayong maging totoong tagasunod ni Hesus at hindi dapat makiayon sa mundong ito, mag-iba sa pamamagitan ng pagbabago ng kaisipan. Tumayo ka para sa Panginoon ngayong Halloween at humanda kang pagpalain. Pinagpapala Niya ang mga sumusunod sa Kanya.Kung ang artikulong ito’y binuhay ang iyong espiritu, at naunawaan mong taun-taon mong ipinagdiriwang si Satanas ng walang kaalam-alam tuwing Halloween, purihin ang Diyos! Ibig sabihin ay binigyan ka Niya ng pagkakataong humingi ng tawad at lumakad pasulong sa Kanya—malaya na sa mapanlokong pagkaka-alipin. Huwag kang maging guilty. Alalahanin mo na kapag ikaw ay nagsisi na at humingi ng tawad walang pagkondena kay Hesukristo. Maaari mo na itong gawin sa pamamagitan ng simpleng panalanging ito:“Diyos Amang Makapangyarihan, lumalapit ako sa Iyo sa pangalan ng Iyong Anak na si Hesus. Napag-alaman kong hinayaan ko ang aking sarili na ipagdiwang ng walang kaalam-alam ang isang bagay na kinasusuklaman mo, at binigyang kapurihan si Satanas. Patawarin Mo po ako, Ama. Ako’y nagpapasalamat sa Iyong pinangakong kapag ako’y humingi ng kapatawaran Ikaw ay tapat at makatarungang patawarin ako. Nagpapasalamat akong itatapon Mo ang kasalanang ito, katulad ng ginawa Mo sa mga kasalanan ko noon, sa dagat ng pagkalimot. Pinupuri kita sa panibagong panimula ngayon. Bantayan Mo po at protektahan sila na walang kaalam-alam na ipinagdiriwang si Satanas. Tulungan mo po akong makahanap ng paraan upang ibahagi sa iba ang aking natutunan sa Iyong Salita, upang marami pa sa Iyong mga anak ang hindi mapahamak sa kakulangan sa kaalaman. Ito po ang aking panalangin sa pangalan ng Panginoon at Tagapagligtas, si Hesus, Amen.”
Mula kay Pastor Roxanne Ryan