Pagtagumpayan ang Pagiging Makasarili

“Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba. “

Filipos 2:3-4

Tayo’y mga taong nagmana ng likas na pagiging makasarili simula pa noong tayo’y ipinanganak. Sinasabi ng Bibliya na tayo’y makasalanan na simula pa noong nasa sinapupunan pa lamang tayo ng ating ina. Ang pagiging makasarili ang isa sa kahayagan ng likas na pagiging makasalanan ng sangkatauhan. Ang pagiging makasarili ay nasa atin na noong tayo’y ipinanganak. Isa itong hadlang sa ating lakad kasama ang isang di-makasariling Diyos at hindi ito mapagtatagumpayan hangga’t hindi mo pa ibinibigay at isinusuko ang iyong buhay kay Hesus. Isang kaibigan ko ang nagsabing kahit pa ang unang tunog sa pag-iyak ng sanggol sa kanyang paglabas sa sinapupunan ng kanyang ina’y ito ang iyong maririnig, “me, me, me! (ako, ako, ako!) Habang bata pa, ang kanilang lenggwahe sa pag-iyak ay, “tulungan mo ako, pakainin mo ako, buhatin mo ako, palitan mo ang aking lampin…”

Ngunit ngayo’y ipinanganak na tayong muli sa Diyos. Habang tayo’y nagbabasa ng Kanyang Salita, naniniwala, at pinapraktis ito, uumpisahan ng Panginoon ang proseso ng paghulma at paghubog sa atin ayon sa Kanyang imahe. Kaya ngayon na ang oras upang alisin ang pagiging makasarili na nabubuhay sa iyo. Ang pagiging makasarili ay nagpapabulag sa iyo na makita lamang ang iyong sariling problema at ayusin ito habang nagbubulag-bulagan ka sa pinagdadaanan ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ang pagiging makasarili’y walang pakialam sa pinagdadaanan ng iba. Ginagawa ka nitong manhid at walang pakiramdam sa pangangailangan ng ibang tao.

Halimbawa ng pagiging makasarili’y ang pagpokus lamang sa iyong cellphone, ang pagpokus sa sarili mong mundo na kahit na may umiiyak na bata, hindi mo ito binibigyang atensyon; kahit na sinabi ng iyong kapatid sa pananampalatayang ‘May sakit ako’, hindi mo ito naririnig, ni wala kang nararamdaman, hindi mo rin nakikita ang pangangailang tumulong…na kahit na may bisitang dumating sa iyong tahanan, imbes na makipag-usap, mas pinipili mong manatili sa iyong gadget.

Ito ang mundong ginagalawan natin at kinakailangan nating ipanalangin na magising ang ating henerasyon. Kung tayo ang henerasyong makakakita sa pagbabalik ng Panginoon, hindi ba dapat tayong maging isang henerasyong NAGMAMATYAG AT NANANALANGIN? O ang pagiging makasarili, na pinopokus ka lamang sa iyong problema/problema sa pamilya habang may iba pa sa iyong paligid na may mas malala pang problema kaysa sa’yo ngunit sa tingin mo’y mas importante pa ang problema mo at sa’yo ang may pinakamalala.

Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Santiago 1:27

Ang ibig sabihin ng ulila at balo ay mga taong walang malapitan, mga nangangailangan. Kaya kaibigan, binisita mo na ba ang mga ulila at balo sa kanilang kabalisaan? Kamusta ang pag-aalaga mo sa iba? Kamusta ang pagtulong mo sa iba? Inaantay mo bang masolusyunan ang iyong problema bago tumulong sa iba? Kadalasa’y hindi naman malalaking bagay ang hinihingi sa atin ng Diyos! Hindi ito patungkol sa malalaking bagay. Ang pagtawag sa cellphone, liham, isang mensaheng nakapagpapalakas, isang panalangin…lahat ng ito’y napakahalaga, na kahit na maliit, malaki ang diperensiya.

Oras nang maging katulad ni Hesus na hindi makasarili, at kinuha ang pagiging isang alipin. Siya’y nagmahal at naglingkod sa iba hanggang sa kamatayan (Filipos 2). Itinuturo ng Salita ng Diyos sa ating, “Huwag kang gagawa ng anumang makasarili.” Huwag kang gagawa dahil lamang sa kung anong makukuha mo sa iyong sarili kapag ginawa mo ito, ngunit kahit na walang rason gawin mo ito sapagkat ito ang tama. Lahat tayo’y may maitutulong sa pinagdadaanan ng ating mga kapatid sa pananampalataya.

Hindi lamang nakita ni Hesus ang pangangailangan ng iba, naramdaman rin Niya ang kanilang pasakit, nararamdaman Niya ang kanilang pinagdadaanan at palagi Siyang may ginagawa upang pagaanin ang pinapasan ng mga tao. Pinagaling Niya ang lahat ng taong may sakit na pumunta sa Kanya; pinalaya Niya ang mga nakagapos; pinakain Niya ang mga nagugutom – palagi Niyang tinutugon ang pangangailangan ng mga tao. At kahit ngayon, iyon ang iyong makukuha kapag lumapit ka sa presensya ng Diyos. Kapag lumapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, palagi Niyang inaalis ang mga nagpapabigat sa iyo. Kaya sabihin mo sa Kanya ang iyong pinagdadaanan, sabihin mo sa Kanya ang lahat ng iyong nararamdaman, manalangin hanggang maalis ang kabigatan. Maaaring abutin ka ng 30 minuto, maaaring 1 o 2 oras; gaano man katagal mo itong kailangang gawin.

Mahal natin ang ating sarili, gusto nating mapangalagaan ang ating mga sariling pangangailangan at wala namang masama dito ngunit nakikita rin ba natin ang pangangailangan ng iba? Kapag tayo’y pumupunta sa mall upang mag-enjoy sa pamimili, naiisip din ba natin ang ibang taong mas mababa ang kalagayan kaysa sa atin at naaalala ba natin sila? Naaalala ba natin silang mga walang maisuot? Kapag tayo’y pinagpapala, iniisip din ba natin ang iba? Kapag tayo’y nakakakain, naaalala ba natin silang walang maihain sa kanilang lamesa? Naaalala ba natin silang mga walang bubong sa kanilang tahanan? Kapag nagkasakit ang ating kapitbahay, may malasakit ba tayo sa kanila? Kapag sila’y nasasaktan, nararamdaman ba natin ang kanilang sakit?

Ngunit madalas nating sinasabi, ‘pero hindi ko alam kung anong pangangailangan nila!’ Bakit hindi mo alam? Mayroon ka bang mata pero hindi ka tumitingin? Mayroon ka bang tainga pero hindi ka nakikinig? Simulan mong makipag-usap sa mga tao, tignan mo’t makinaig ka sa sinasabi nila, makikita mo’t malalaman. Maaaring may dumating sa inyong kongregasyon at matagal na silang walang pangbili ng pagkain, tapos hindi natin alam. Bakit hindi natin alam? Sapagkat ang pagiging makasarili’y itinutulak tayong magpokus lamang sa sarili nating mga pangangailangan na nagbibigay-hadlang sa ating makuta an that it prevents us to see what others are going through.

Kaya para sa ating lahat, nais ng Diyos na isipin din natin ang pangangailangan ng iba. Madalas sabihin ng aking pastor noon, “kailangan mong magkaroon ng mata ng langgam, mga matang nakikita ang pangangailangan ng iba bago pa man nila sabihin sa iyo.” Kung may pakialam ka sa ibang tao, malalaman mo ito.

Sa Lucas 10, mababasa natin ang istorya ng isang mabuting Samaritano. Isang lalaki ang malalang nabugbog at halos patay na sa kalsada. Isang paru ang napadaan sa kalsadang ito, nakita ang lalaki, at lumingon sa kabilang ibayo. Masyado tayong nakapokus sa sarili nating mga problema at mga plano na napalampas na natin ang pagkakataong makapagpatuloy ng mga anghel ng Diyos na Kanyang ipinadala sa atin at nalampasan din natin si Hesus na dumadalaw sa atin ng iba ang kasuotan. Ilang anghel na ang iyong napalampas? Ilang beses mo na bang nilampasan si Hesus na lumalapit sa iyo? Isipin natin ito, tayo’y magsisi at nawa’y kahabagan tayo ng Panginoon.

Ngayon, pinapaalala ng Diyos na tayo’y dapat magkaroon ng pusong may pakialam sa ibang tao. Pusong nakakaramdam ng kahirapang pinagdadaanan ng iba. Pusong naglilingkod sa iba na isinasantabi ang ating pansariling interes. Pusong isinasantabi ang sarili upang matulungan ang iba sa kanilang pinagdadaanan. Minamahal kong kaibigan, huwag tayong maging obsessed na makamtan ang ating pansariling kagustuhan upang makalamang. Matagal na tayong tinutulungan ng Diyos na kalimutan ang ating sarili. Ngayon, tinutulungan tayo ng Diyos na ilagay ang ating sarili sa paa ng iba – ito ang paraan upang mapagtagumpayan ang makasariling ugali.This is the way to conquer the selfish-self nature.

Anumang kabigatang inaalis mo sa iba’y hindi magpapabigat sa iyo. Kapag ika’y nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa mga hindi pa nakakakilala sa Kanya at araw-araw mong kinukuha ang mga taong nahuhulog sa impyerno, hindi lamang ikaw ang nagkakaroon ng buhay ngunit pati na rin ang iyong mga minamahal. Ililigtas din sila ng Kadaki-dakilang Diyos. Nagbibigay ka ng buhay, makakakuha ka ng buhay! Kapag ibinigay mo ang pangangailangan ng iba, mabibigyan din ang pangangailangan mo. Ibaba natin ang ating mga pasanin at piliing huwag magpokus sa mga ito ngunit piliing hanapin ang mga taong may kapareho o kakaibang dalahin kaysa sa atin – isang panalangin, salitang nagbibigay ng kalakasan, praktikal na pagmamahal, lahat ng ito’y nakakatulong. Hindi kinakalimutan ng Diyos ang anumang iyong ginagawa upang paglingkuran at tulungan ang iba.

Habang patapos na ako sa pagsusulat, naririnig ko ang Banal na Espiritung nagsasabing, “Huwag kang matakot na kuhain ang espada ng Espiritu at patayin ang makasariling ugali na nananahan sa loob mo. Ang pag-aalaga at pagtulong sa iba ay isang kultura sa langit. Kaya mag-alaga at tumulong ka. Ipagpatuloy mo ito. Ipasa mo sa iba!”

Salamat sa pagbabasa ng devotion na ito. Ikagagalak naming malaman kung ano ang iyong komento. Nais naming magpatuloy ang usapin natin patungkol dito. Ika’y aming itataas sa panalangin minamahal na kapatid, na pagpalain ka ng Diyos upang mapagtagumpayan ang likas na makasariling ugali at hayaang mamuhay ng buo ang Panginoong Hesus sa iyong kaloob-looban.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: