Pagdiriwang ng Yom Kippur 2013
Noong Yom Kippur ng 2013, ang The Blazing Holy Fire church ay nagdiwang ng banal na araw na ito sa pamamagitan ng water fasting ng may makapangyarihang panalangin, pagsamba, at pagpapakumbaba sa sarili sa paningin ng Diyos. Sa araw na iyon, sa aming buong gabing panalangin, nagpakita ang Panginoon sa aming kalagitnaan, naengkwentro namin Siya ng harap-harapan, at buong gabi Niya kaming sinamahan.
Nang magsimula kaming manalangin, hinayaan ng Panginoon na muling isabuhay ng bawat isa sa amin ang kaganapan kung saan Siya ay ipinako sa krus, hindi upang manood kundi maging kalahok. Ang ibig sabihin nito, bawat isa sa mga prayer warriors na naroroon ay gumanap bilang isang Romanong sundalo na magpapako sa Panginong Hesukristo sa krus. Habang ginagampanan namin ito, na para bang papunta sa Kalbaryo, pinalatigo ng Panginoon ang Kanyang sarili ng may 39 na latay sa bawat isa sa amin. Ginampanan ng bawat isa sa amin ang pagpapako sa Kanya sa krus. Isa isa kaming nagpapalit ng gawaing Siya ay latiguhin at ipako sa krus! Sa bilang ng isa, ang bawat naatasang indibidwal ay kailangan Siyang latiguhin ng 39 na beses! Nabasag ang aming puso at higit pa sa dati, kami ay nagising na ang ating kasalanan ang dahilan kung bakit ang kanyang katawan ay nawasak, ang ating kasalanan ang dahilan kung bakit Siya ay nasira at nadurog! Naunawaan namin sa Kanyang pagtitiis, hindi lamang ang sakit na pisikal ang Kanyang nararamdaman kundi dala-dala Niya din ang sakit ng bawat isang indibidwal; naramdaman Niya ang latigo sa bawat indibidwal na nabuhay at mabubuhay pa lamang x 39. Ang ating kasalanan ang tunay na na dumurog sa Kanya—ang kasalanan Natin!
Nang gabing iyon, walang ni isa mang tao ang hindi tumutulo ang luha; walang ni isa mang tao ang hindi nakaramdam ng kahit na kaunting sakit na kinuha ni Hesus para sa ating mga kasalanan. May mga pagkakataong hindi ito kayang gawin ng mga sensitibo sa amin at kinailangang tulungan namin sapagkat hindi nila ito kayang gawin sa kanilang sarili lamang. Ito ay isang gabing hindi malilimutan! Ito ay nakalaan upang basagin tayo, durugin tayo upang hindi pawalang-halagahan ang kaligtasan, upang manatili tayong mapagkumbaba at huwag kalimutan kung gaano tayo kamahal ni Hesus at nang Siya’y namatay para sa ating mga kasalanan. Kami ay naliglig, umiyak, nakaramdam ng sobrang kapighatian ng makitang ang puso ng Siyang minamahal namin ng sobra ay nawawasak dahil sa ating mga kasalanan! Pinaalala sa amin ng Panginoon na kahit sa ngayon, nawawasak ang Kanyang puso kapag tayo ay nagkakasala. Buong pagmamahal Niyang ibinahagi sa aming,
“Mahal ko kayo Aking mga anak. Huwag ninyong ibigay ang inyong pagmamahal sa iba. Huwag kayong magkakaroon ng mga idolo sa inyong mga buhay, sapagkat Ako ay isang selosong Diyos. Ako lamang ang nararapat sa inyong puso. Ibinigay na ng lahat ng mga tao sa kwartong ito ang kanilang puso sa Akin. Sa Akin ito! Ang Aking puso ay tumitibok na sa dibdib ng karamihan sa inyo. Dadayain mo ba ang taong iyong minamahal? Sasaktan mo ba ang kanilang puso? Hahayaan mo ba silang dumugo at umiyak? Bakit ninyo gagawin iyon sa Akin? Mas malaki ang Aking puso, mas mabilis masaktan. Nasasaktan sa kasalanan.”
Mga anak ng Diyos, huwag nating saktan ang puso ng Diyos. Dahil sa ginawa ng Panginoon para sa atin sa krus, malaya na tayo sa ating mga kasalanan. Malaya na natin Siyang mahalin at huwag saktan ang Kanyang puso. Ang kasalanan ay isang desisyon. Malaya tayong mamili na hindi na saktan ang Kanyang puso.