Yom Kippur (Araw ng Pagtubos)

Ang Yom Kippur ang pinakataimtim na araw sa Kalendaryo ng mga Hudyo at sa lahat ng mga kapistahan. Sa araw na ito lamang, isang beses sa isang taon, ang Dakilang Saserdote ay pumapasok sa Pinakabanal na lugar sa lahat, ang Dakong Kabanalbanalan sa loob ng tabernakulo, sa loob ng tabing ng templo, upang maghandog ng haing may dugo para sa mga kasalanan ng lahat ng mga mamamayan ng Israel. Basahin ang 1 Juan 1:9; Levitico 23:26-32 at Hebreo 9.

Naririto ang 3 artikulo:

  • Isang engkwentro noong Yom Kippur 2014 ni Neville Johnson BHF
  • Pagdiriwang ng Yom Kippur
  • Isang link sa talaan upang makatulong sa iyo na maunawaan ang Yom Kippur
ANG ENGKWENTRO NOONG YOM KIPPUR 2014 NI NEVILLE JOHNSON 

Isang tagalangit na bisita ang pumasok sa aking kwarto noong 6:30 am at sinabing isulat mo ang mga ito. Agad kong nakilala ang bisitang ito dahil marami na akong engkwentro sa kanya noon pa man. Binanggit niya ang mga salita sa Bibliya.

“Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa; At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”
Haggai 2:6-9 

Lahat tayo ay pamilyar sa mga katagang ito sa bibliya, ngunit alam kong ang ipinararating ng pagbibigay-diin ng tagalangit na bisitang ito ay para bang malapit ng matupad sa paraang hindi pa nagaganap pa ang mga ito hanggang sa ngayon. Binigyang-diin niya ang mga salitang LAHAT NG NASYON at NAIS. Alam ko na na lahat ng nasyon sa mundo ay uugain sa mas tunay na paraan. Ang kanyang pagbibigay-diin sa salitang “nais” ay may relasyon sa kayamanan o mahahalagang bagay. At binanggit niya ang mga salitang ito,

“Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa’t ngayo’y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit. At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig. Kaya’t pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios: Sapagka’t ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw (consuming fire).”
Hebreo 12:26-29

Binigyang-diin niya sa mga salitang ito sa bibliya ang pariralang “Apoy na Mamumugnaw” (consuming fire).  Sinabi niya ang patungkol sa pagyayanig na magpapakawala sa bautismo ng apoy sa mga churches na sumusunod sa Panginoon at hinahanap ang kanyang kadalisayan (purity) sa kanilang mga buhay. Isang pangitain (vision) ang bumukas sa aking harapan kung saan nakakita ako ng isang anghel na may hawak ng para bang mala-adornong babasaging tasa at platito. Manipis at babasagin ang tasang ito. Nakasulat sa tasa ang mga salitang “Ang Ekonomiya ng mga Nasyon.” Nakita ko ang loob ng tasa at napakarumi nito. Sinabi ng anghel “ang ekonomiya ng mga bansa ay katulad nitong tasa na malinis sa labas ngunit napakarumi sa loob.” Nakarinig ako ng pagkabitak at nagsimulang mabasag ng pira-piraso ang tasa. Ang eksena ay nagbago at pabaliktad na hawak sa paa ng anghel na ito ang isang napakalaking tao. Taas baba niyang niyugyog ng malakas ang lalaki. Habang ako’y nanonood, maraming mga bagay ang naglaglagan mula sa bulsa ng lalaki. Ginto, Silver, at mga Imbensyon na may kinalaman sa enerhiya at iba pa. May mga nalalaglag ding mga lunas sa mga sakit sa bulsa ng lalaking ito, lunas para sa Cancer, Diabetes, Asthma, Alzheimer’s disease at marami pang iba. Ang mga lunas sa mga sakit na ito ay matagal ng mayroon ngunit tinatago lamang ng mga kompanya ng botika. Ang higanteng ito ay kumakatawan sa mga sistemang pangpinansyal ng mundo. 

Habang ako’y nanonood habang inilalantad ito, ang anghel ay muling sumigaw ng mga salitang YANIG LANTAD LIPAT (SHAKE, EXPOSURE, TRANSFER). Habang siya’y nagsasalita, naramdaman ko sa aking ilalim ang pagyanig ng mundo na para bang nanginginig.

Sa oras na ito narinig ko ang Panginoong nagsalita: 

“Isang beses pa at yayanigin ko ang langit at ang mundo.”

“Wala ng oras, malalantad na ito ngayon. Magsisimula ito sa church pagkatapos ay sa mga nasyon.” Ngayon din nakita ko ang mga tiyak na mangyayari sa mundo. 

Ilalantad sa liwanag ang mga bagay na tinatago sa church bilang pagsasagawa ng pagdadalisay dito. 

Magugulat ang maraming tao ngunit ang Diyos ang gumagawa nito. 

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?” 1 Pedro 4:17 

Nakita kong niyayanig ang Japan sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan at mga lindol sa paraang may epekto sa buong mundo. May nakita akong pag-aalsa sa Thailand. Nakita kong ang China ay may mas mahigpit na kapit sa Hong Kong. (Ito ay bago pa ang mga kamakailan lamang na demonstrasyon sa Japan). May matinding salungatan/matinding paghaharap sa South China Sea. Magkakaroon ito ng epekto sa Australia ngunit makatatayo ito sa pagyayanig sa ngayon. New Zealand, ang mga tinatagong bagay ay malalantad at ang pagkabagabag ng mga etniko ay madadagdagan. Isang malaking pagyanig ang magaganap sa kasalukyang administrasyon. 2015 may mga kaganapang mangyayari na hindi pa nasasaksihan noon ang magpapayanig sa gobyerno ng USA. Magkakaroon ng kaguluhan sa gobyerno at pupwersahin ang pagbabago sa nasyon. Ang mga buto ng revival ay magsisimulang sumibol sa UK sa kalagitnaan ng kaguluhan. Ang kasalukuyang Pope ay magpapatuloy sa pagtaas ng kanyang impluwensya. Nakita ko siyang nagsasalita sa UN. Ang kanyang idinidiin ay Kapayapaan at Pagpapahintulot (pagpapahintulot sa lahat ng relihiyon). Ito ang nagpasimula ng pundasyon sa pagsisimula ng “false world church” na lumaki ang kapangyarihan sa politika at impluwensya sa paglikha ng batas na magpapabawal sa kahit na anong relihiyon na hindi parte ng false world church na ito.

ANG KEY WORD NGAYON AY:

SHAKE THEN WILL COME EXPOSURES AFTER THAT TRANSFER. Pagyanig pagkatapos ay dadating ang paglalantad at pagkatapos ay ang paglilipat. Isa sa mga bagay na sinabi ng anghel na ito’y pati ang kalangitan ay mayayanig. Naunawaan kong ang ibig sabihin nito’y magkakaroon ng mga problema sa Araw na magiging sanhi ng solar flares na magbibigay ng matinding epekto sa mundo. Gayunpaman, nakita ko din na ang pangalawang kalangitan ay niyayanig, ang kaharian ni Lucifer ay niyayanig sa paraang maapektuhan ang kanyang mga aktibidad sa mundo.

“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.”
Pahayag 12:7-9

Nakita ko ang anak na lalaking ito na bumababa sa mundo kasama ang maraming anghel at sa kanilang pagbaba, dinaanan nila at winasak ang ikalawang kalangitan kung nasaan ang kaharian ni Satanas. Isa itong kamangha-manghang senaryo na nagpagalit ng todo kay Satanas.

“At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.  Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.  At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.  At sa babae’y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.  At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus…”
Pahayag 12:10-17

Malapit na tayo sa oras na ito na ang anak na lalaki ay kukuhain paakyat upang atasan at muling ibalik sa mundo upang alagaan at protektahan ang church, tumulong upang gawing perpekto ang bride bago mangyari ang pagdagit (rapture). Sinabi din ng tagalangit na bisita na sa loob ng pitong taon magiging imposible sa mga Kristyano na bumili o magbenta.Alam  kong ito ay tumutukoy sa Pahayag Kapitulo 13 bersikulo 16-17. Ang salitang “sa loob ng” ay hindi nagbibigay ng eksaktong oras ngunit isang pagsasalamin sa oras sa loob ng mga panahong iyon.

“At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.”
Pahayag 13:16-17

Tayo ay nabubuhay na sa panahong walang anumang bagay sa nakaraan ang kayang ikumpara sa oras kung nasaan tayo ngayon. Kailangan nating maglakad ng may sobrang pag-iingat.

“Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka’t ang mga araw ay masasama. Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.”
Efeso 5:15-17

Sinabi sa atin na wala sa atin ang pagdidirekta ng ating lakarin. Jeremiah 10:23. Paparating na ang oras at ngayon na nga kung saan magiging imposible na para itama pa ang mga pagkakamali, at ito ay dahil sa akselerasyon ng oras kung saan tayo ay nabubuhay. Kailangan nating maniwala at manampalataya sa kagustuhan ng Diyos na iiwas tayong mawala sa landas. Kinakailangan nating magtiwala sa Diyos ng buong puso at huwag magtiwala sa ating pansariling kaunawaan, ipagtiwala sa Panginoon ang ating plano at pagkatiwalaan Siyang idirekta ang ating lalakarin. Nasa inkubasyon ang mga pangako habang nananalangin, intercession at pananampalataya. Isang bagong panahon ng malalaking posibilidad ang nalalapit na sa atin. Pinupukaw na ang bagong paggalaw ng Banal na Espiritu, nakahanda ang mga bagong rebelasyon at kaunawaan. Kailangan nating tumakbo gaya ng mga kabayo—may bilis at lakas—sapagkat ang linya ng pagtatapos ay malinaw na nating natatanaw.

-mula kay Neville Johnson Nobyembre 19, 2014

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: