Gaano‌ ‌Ka‌ ‌Niya‌ ‌Kamahal!‌ ‌

Jesus encounters intro: 

Ang aming church ay nagsimulang manalangin gabi-gabi noong panahon ng “Rosh Hashanah 2009.” Simula noon, gabi-gabi na kaming nagkikita-kita sa simbahan para manalangin ng sobrang lakas at magsagawa ng revival service. Nabuksan ang kalangitan sa aming simbahan ng araw na iyon. Noong 2013, may labindalawang (12) tapat na prayer warriors na laging nagsasama-sama sa church para manalangin ang nagkaroon ng deep encounter sa Panginoon na hindi katulad ng sa iba. Ito ay nagsimula pagkatapos maranasan ng pinakabatang prayer warrior na kasama namin, isang teenager na labis ang pagmamahal kay Hesus, ang powerful deliverance na kung saa’y tumanggap siya ng speaking of tongues o pagsasalita ng makalangit na wika at madami pang ibang kaloob mula sa Panginoon. Kahit na siya’y nasa summer school, naging desidido siya sa paggising ng maaga at nagbibigay ng 2 oras kasama ang Panginoon sa pananalangin bago pumasok. Nang magsimula syang dumalo ng gabi-gabing corporate prayers sa simbahan, si Hesus ay unang nagpakita sa kanya, dinala siya sa throne room sa kalangitan, binigyan ng mensahe para sa simbahan at sa lahat ng miyembro. Mula noon, si Hesus ay nagsimulang dumating gabi-gabi sa Kanyang maliwanag na presensya at nakikipag usap sa aming lahat, minsan sa grupo o kaya nama’y paisa-isa. Gabi-gabi kaming dinadala ng Panginoon sa langit at sa impyerno at ibinabahagi ang mga dakila at makapangyarihang mga bagay. Mabait Siyang nagsasalita sa amin at sinanay kami ng mahigit sa isang taon. Narito ang buod ng mga encounters, ang mga detalye ng mga ito ay isusulat sa aklat sa lalong madaling panahon. Nawa ay mapagpala ka nito at mas mailapit ka pa kay Hesus! ~BHF

——————————————————————–

SABIHIN MO SA KANILA NA MAHAL KO SILA

“Ipinahahayag namin sa inyo ang tungkol sa Kanya na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig namin siya, nakita’t napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin  Siya. Siya ang Salita ng Diyos  na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”

(1 Juan 1:1)

Anak ng Diyos – karamihan ay nakararanas ng pagsubok, ngayon gusto ni Abba na sabihin ko sa inyo ang tungkol sa PAG-IBIG Niya para sa inyo. Madami sa inyo ang walang ideya kung gaano ka kamahal ni Hesus! Madami ka ng pinagdaanang labanang espiritwal o warfares at sa pamamagitan nito ay nararamdaman mong nakalimutan ka na, pinabayaan, ngunit ang isang mapagmahal na Hari ba ay iiwanan ang Kanyang tapat na warrior? Isipin mo si Hesus na nakabukas ang mga braso at  sinasabing “M A H A L  kita ng sobra….!” Habang ikaw ay tumitingin at iniisip mo Siya, patuloy na lumalaki ang Kanyang mga braso, lumalawak ng walang tigil sapagkat ang Kanyang pag-ibig sa iyo ay walang katapusan. Si Hesus ay laging kasama mo at para sa iyo, Siya ay nakakapit sa iyo ng higit kaysa sa pagkakakapit mo sa Kanya! Siya ay laging nandiyan sa iyo 24×7, nariyan Siya kada segundo, Siya’y laging nariyan para sa iyo! O, ang lawak at haba at taas at lalim ng pag-ibig ni Hesus para sa iyo. Nalampasan nito ang kaalaman at pang-unawa ng tao!

Naggugol kami ng maraming oras na nakaupo sa paanan Niya, na natututo ng karunungang higit pa sa  karunungan at ang una sa lahat ay ang malasap ang Kanyang pag-ibig. 

Gayunpaman, sinasabi Niya na sa ngayon hindi pa maunawaan ng  bawat isa kung gaano Niya tayo kamahal! Kaya’t ito ay isang pagtatangka na ipaliwanag ang pagmamahal ni Hesus para sa iyo upang ikaw ay makabangon muli at magtamasa ng bagong lakas.

MAY NAGMAMAHAL SA IYO

Ipinaliwanag sa akin na si Hesus ay umiibig sa bawat isa sa sandaling nagdesisyon Siya na gawin ka… kahit bago ka pa ipanganak. Hindi ka aksidente lamang sapagkat nilikha ka Niya ng may maingat na pagsasaalang-alang. Pagkatapos… noong nakita ka Niya, ang magandang nilikha Niya, lalo Siyang umibig sa’yo, at nang lumuhod ka at tinanggap mo Siya, mas minahal ka pa Niya ! Ang Panginoon ay sobra kang minamahal at sa paglakad mo  ng matapat kasama Siya, mas lalong lumalalim ang pag-ibig Niya sa’yo ARAW-ARAW. O, kung paano ka minamahal ni HESUS! Madami sa inyo ang walang clue; wala kang ideya kung gaano ka ka-espesyal para sa Kanya!!!

Alam mo bang si Hesus ay lagi mong kasama at lumalaban para sa iyo sa lahat ng iyong pakikidigma? Ipinaliwanag Niya na higit Siyang nakikipaglaban para sa iyo kaysa sa pakikipaglaban mo para sa iyong sarili. Pero ang kaaway ay pumasok at sinasabi sa iyo na wala Siyang pakialam, na kinalimutan ka na Niya at wala Siya para sa iyo, na wala Siyang ginagawa para sa iyo, na nananalangin ka ng sobra pero hindi Niya sinasagot … Aking kaibigan, alam mo ba na may pakialam sa iyo si Hesus at hindi Siya laban sa iyo kundi para sa iyo – pero kailangan mong maintindihan na ito ay digmaan, kung paano mo Siya sinusunod, pinagtitiwalaan at pinaniniwalaan sa lahat ng Kanyang mga pangako ang mahalaga (Basahin ang Roma 4).

Huwag na huwag mong paniniwalaan ang mga kasinungalingan ng demonyo! Kung maniniwala ka sa kasinungalingan ng demonyo, binibigyan mo ito ng kapangyarihan. Ang nag-iisang kapangyarihan ni satanas ay nagmumula sa mga taong gumagawa ng kasalanan!

Isipin mo kung tayong lahat ay lumalakad ng walang kapintasan sa harapan ng Diyos – walang kahit isang tao ang aalihan ng demonyo, wala ni isang tao ang magkakaroon ng sakit, si satanas ay walang lugar sa ating buhay at madali siyang matatalo! Si Hesus lamang ang karapat-dapat na pagkatiwalaan – Siya ang Diyos, Siya ang malakas. Nais ni Hesus na pagtiwalaan mo siya sa lahat ng meron ka – na pinagtitiwalaan at pinaniniwalaan mo ang mga Salita Niya, na Siya ang magpapatupad nito. Ngunit sasabihin mong “Hindi ko Siya naririnig, wala akong harapan na pagbisita galing sa Kanya.” Pero aking mahal—‘Ang Salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig at sa iyong puso’. Nangungusap Siya sa iyo araw-araw sa pamamagitan ng Bibliya at sa madami pang kaparaanan. Tanggapin mo ang Kanyang Salita, paniwalaan mo ito  –  mag-ingat ka sa iyong mga kaaway – pag-aalinlangan at kawalan ng paniniwala.

SI HESUS NA…

Si Hesus na umiiyak kasama mo! Si Hesus na humahawak sa iyo ng mahigpit kapag umiiyak ka at hindi ka binibitawan! Si Hesus na nagdadala sa iyo kapag nakararanas ka ng mga pagsubok! Si Hesus–Abba, ang Ama na nagpoprotekta sa iyo! Siya na pinapanood ka habang ika’y natutulog! Si Hesus na tumatanaw sa pagparoo’t-parito mo! Si Hesus na kasama mong sumasayaw! Hesus, ang Pastol na gumagabay, at nagbigay ng sariling buhay para sa iyo! Si Hesus na nag-aakay ng iyong kamay at ginagabayan ka! Si Hesus na nakakapit sa iyo ng mahigpit kaysa sa pagkapit mo sa Kanya. Si Hesus na nagbabantay at nagpoprotekta sa iyo araw-araw! Si Hesus na tumatawa na kasama ka at ang kasiyahan sa piling Niya! Si Hesus na nagpapatawa at nagbibigay ng kasiyahan at kapayapaan! Si Hesus na isinuko ang lahat para sa iyo! O, gaano ka Niya kamahal!

Si Hesus, isang kaibigan na mas malapit pa kaysa sa isang kapatid, sino pa ba ang matalik na kaibigan na mapagkakatiwalaan? Nagmamahal Siya ng higit pa sa pinakamahusay na kasintahan na iyong narinig; higit pa sa mapagmahal na ina o ama na nalaman o narinig mo; higit pa sa pinakamatalik mong kaibigan. Si Hesus na nagmamahal ng walang katulad — Siya ay higit na nagmamahal kaysa sa pag-ibig ng bridegroom sa Kanyang bride! Ituon mo ang iyong mga mata sa Kanya, magfocus ka sa Kanya… habang ikaw ay humihinga, huminga ka para kay Hesus, isang araw tatapusin Niya lahat ng problema mo. IPAGKATIWALA MO SA KANYA ANG LAHAT LAHAT NA MERON KA!

ANG HESUS NA NAKILALA NAMIN

Bago ang mga bisitasyon, kailangan ko na sabihin na wala isa man sa  amin ang nakakaalam kung gaano ang pagmamahal ni Hesus. Ang akala namin alam na namin ito, pero noong makita namin Siya ng harapan, ang aming isipan ay natangay ng Kanyang labis na pagmamahal para sa atin. Nalasap namin: Ang Dakilang Pag-ibig.

Si Hesus ay nagmamahal ng labis! Ang pag-ibig Niya ay ang pag-ibig na walang pag-iimbot, ang pag-ibig na hindi makasarili! Ito ay napakadakilang pag-ibig “Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan” – ang pag-ibig na hindi unang iniisip ang ‘ako’ kundi mas inuuna ang iba! Bago Siya dumating sa mundo, Si Hesus ay nasa langit nababalutan ng kaluwalhatian at kapangyarihan. Siya ay pag-ibig at laging pag-ibig kahit pa noong bago pa tayo nilikha, ibinuhos na Niya ang pag-ibig sa mga anghel at iba pang nilalang. Siya ay nasa perpektong lugar. Walang kulang sa Kanya. Tumingin Siya sa mundo, nakita Niya ang kawalan ng pag-asa, kadiliman; ang tao ay naliligaw ‘pag wala Siya – nakatakdang pumunta sa impyerno. Si Hesus ay naparito sa mundo dahil sa pag-ibig – Ang pag-ibig na walang interes kung hindi ang magligtas at magpalaya. Ang pag-ibig na isinuko ang sariling kaginhawaan  para makaranas ng kaginhawaan ang iba; Ang pag-ibig na piniling mamatay para mabuhay ang iba. Ang pag-ibig na isinuko ang lahat para maligtas ang iba –kahit na gaano kabigat ang kapalit na halaga. Si Hesus ay dumating para sa atin. Nais Niya tayong napupuno ng kasiyahan. Kapag nakikita Niya tayong nagagalak higit ang Kanyang kagalakan.

Dumating si Hesus, binubo ang Kanyang sarili at ibinuhos na parang tubig upang tayo ay mabuhay. Itinuro sa amin ni Hesus ang tungkol sa pag-ibig na ito at nakita ang mga natuto sa Kanya na piniling mamatay para sa iba. Halimbawa na lamang ay ang mga prayer warriors na dinala sa impyerno, hindi sila natakot na maranasan ang mga pambubugbog at pagpapahirap na dapat ay para sa iba! Sinabi ni Hesus sa amin na “Aking mga anak, kung paano nyo naoobserbahan ang Aking pag-ibig, matuto kayo sa Akin at gayahin Ako!” Kahit na ang pinakamaliit na pag-ibig na ipinakita Niya sa inyo ay makakagawa ng pagbabago. Gayahin ninyo Siya!

Si Ester ay nagpakita ng ganitong uri ng pag-ibig. Noong si Haman ay nagplano ng pagwasak, pagpatay at paglipol sa lahat ng mga Hudyo, si Ester ay pumunta sa hari kahit di siya nito ipinatatawag at ang nakataya, ay ang kanyang buhay. Handa siya na isuko ang lahat ng pribilehiyo bilang reyna at maging ang kanyang buhay upang mailigtas ang bayan ng Diyos. Noong pumunta siya sa hari, sinabi niya, “Kung papatayin man ako, handa akong mamatay.” Hindi niya isinaalang-alang ang kanyang buhay at mga pribilehiyo bilang reyna kung hindi nanghinawak siya sa mga ito “Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa Akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Marcos 8:35

Ninanasa mo ba na makita ang Hari ng mukhaan? Nalalaman mo na ang kabayaran nito ay ang lahat ng nasa iyo at kahit ganoon, handa ka pa rin ba na makita Siya ng harapan kahit ang kapalit nito ay kamatayan? Ito ang pinakita ni Ester na ugali noong nakipagkita siya sa Hari. 

ANG PAG-IBIG NA NAGSASAKRIPISYO

Ang pag-ibig ni Hesus para sa iyo ay sacrificial love. Ibinahagi niya sa amin na noong nasa mundo Siya ibinigay Niya ang lahat hanggang wala ng matira. Nanalangin Siya para sa mga tao at nagpagaling hanggang wala ng matira sa katawan Niya. Ibinigay Niya ang Kanyang damit na dapat ay magpapainit sa Kanya. Ibinigay Niya ang Kanyang pagkain na dapat ay isusubo na Niya. Ito ang Sacrificial love –

Ang pag-ibig na inuuna ang iba, ang pag-ibig na nagbayad para mabuhay ang iba. Tinatawag ka ni Hesus na magmahal ng katulad Niya – Naghahanap Siya ng lalake/babae na tatayo para sa naghihingalong mundo. Si Hesus ay punong-puno ng mapagmahal na kabaitan para sa mga tao, mga makasalanan at mga mananampalataya. Noong nagsimula ang mga bisitasyon hanggang sa matapos ang training Niya sa amin, ang kinatagpo Niya lamang noon sa amin ay ang 12 at mga miyembro ng kanilang pamilya. Mayroong presyo na kailangan para makita ang mukha Niya! May mga oras na kahit sa aming sikretong lugar ay may mga manlalakbay na dumadating at ni isang beses ay hindi namin nakitang tinatalikuran Niya ang mga lumalapit sa Kanya. Sasabihin Niya na “maligayang pagdating sa pamilya” at labis na pagmamahal ang ipararamdam sa kanila. May mga panahong nilalawakan Niya ang Kanyang grasya para makilala ang sinumang bahagi ng church na nagnanais na kausapin Siya.

Nakita naming matiyaga ang Panginoon sa pakikinig sa mga tao at sa pagsagot sa mga katanungan, kahit na aming napagisip-isip na ang mga ilang katanungan ay hindi karapat-dapat sagutin. May mga hindi tapat o nakatuon sa Kanya – Kinukumbinsi ng Panginoon ang mga tao ng personal at hindi Niya itinuturo ang  mga kahinaan bagkus ay itinuturo lamang ang mga kalakasan at itinuturo sa tamang direksyon – kapag hindi nakikinig ang mga tao, hindi Siya natatakot na sawayin at itama ang bawat isa. May mga oras na ang mga tao ay paulit-ulit ang itinatanong gayunpaman ang Panginoon ay punong-puno ng pasensya – pasensya na lampas pa sa pasensya… mahabang pagtitiis at malumanay Niyang sinasagot ang bawat isa.

May mga pagkakataon na ang mga tao ay nagtatanong ‘Panginoon, ano ang aking kahinaan?’ Ituturo lamang Niya ang lakas ng bawat isa – Tinanong ko Siya bakit Mo ito ginagawa at sinabi Niyang Siya ang lakas ng bawat isa. May mga panahon na ang mga tao ay nagtatanong ‘Panginoon, kamusta ang ginagawa ko ngayon?’ Kahit na halata na ang mga taong ito ay hindi tapat sa Kanya, ang Panginoon ay tutukuyin ang kalakasan ng bawat isa at sa panalangin, one on one, ang Kanyang Espiritu ang magkukumbinsi sa bawat isa.

Ang Salita ng Panginoon ay napakatamis. Siya ay nagsasalita ng may pag-ibig, ang pag-ibig na hindi makikita sa mundong ito. Sa matamis na pangalan tinatawag ka Niya, ng napakahinahon, ng napakamapagkumbaba, ng napakaromantiko!  Ang Kanyang boses ay matamis pa kaysa pulot, tinig Niya ay humahaplos at humahawak.  Ang Salita Niya ay nagbibigay-buhay! Ang hiling ko’y lahat tayo’y makita ang PANGINOON ng mukhaan… Siya nga pala, Nais ka Niyang makita ng mukhaan, mas nasasabik pa Siya na makita ka kaysa sa pagkasabik mo! Lumapit kayo sa Akin ng buong puso (Jeremiah 29:13).

Tapat ang Panginoon. Kapag nangako Siya, gagawin Niya ito kahit na nakalimutan na natin ito, tutuparin Niya pa rin ang Kanyang Salita… pero malalaman natin na hindi natin maunawaan ang Kanyang tyempo. Ang Kanyang ‘lalong madaling panahon’ ay maaaring nangangahulugan ng mahabang panahon o maikling panahon para sa atin. Isang gabi habang nagtatanong ako, sinabi Niya sa akin “malalaman mo sa lalong madaling panahon.”  Totoo nga na ang Salitang iyon ay natupad sa loob ng ilang oras.

Siya ay higit pa sa IQ. Kung ikaw ay pupunta sa Kanya at halimbawang basahin ang 50 lahat na mga katanungan ng sabay-sabay, Siya ay matiyaga na maghihintay at makikinig. At pagkatapos, kapag Siya ay sasagot na, sasagutin Niya ito ng isa-isa nang walang kinakalimutan at nilalaktawan na mga tanong kahit na wala Siyang kopya ng mga tanong. Kami’y lubos na namamangha sa Kanya!

Nalaman namin na Siya ang Diyos na para sa iyo at hindi laban sa iyo! Pinagtatanggol ka Niya at para sa mga susumunod sa Kanya na ginagawa ang Kanyang kalooban, mamamangha ka kung paanong kasama mo Siya sa iyong buhay at kinokontrol ng Kanyang Espiritu ang mga nangyayari sa iyong buhay araw-araw.

Kapag masyado nating sinisisi ang ating sarili at iniisip na pumalpak tayo, Siya ay dadating at magpapagaan ng loob, tatayo kasama natin at ipapakita na gumawa tayo ng mahusay na trabaho at kung paano Niya pinahintulutan ang mga bagay na nangyari! Siya ay Diyos na nagmamahal sa iyo at magtatanggol sa iyo lagi, ang Diyos na laging nasa tabi mo – Pero kapag ang isa ay nagkasala, kailangan ninyo na magsisi agad sapagkat ang kasalanan ang maghihiwalay sa inyo sa Kanya. Ang aming church ay agad na nagsisisi at Siya ay masayang-masaya kapag kami ay nagsisisi… na kung minsan na dapat sa gabing iyon kami’y bibisita sa impiyerno ay magiging gabi na kami’y dadalhin sa langit sapagkat kami’y nagsisi. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nagtatala ng mga mali! Siya ay nagpapatawad at nililimot at nagpapatuloy sa pagmamahal ng sobrang lawak na parang wala tayong ginawa na mali.

SI HESUS NA NAGBABAHAGI

“Biglang lumitaw ang dalawang lalaki – sina Moises at Elias – at nakipag-usap sa Kanya. Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.” Lucas 9:30-31

Si Hesus ay dumating at nagbahagi ng mga magaganap bago pa ito mangyari patungkol sa misyon na kailangang tapusin bilang isang church o bilang isang indibidwal at lahat ay nangyari gaya ng Kanyang sinabi. Siya ay makikipagkita sa mga dadalhin Niya sa impyerno at ibabahagi Niya ng maaga ang mga magaganap.

Katulad ito ng kung paanong nagbabahagi ka sa iyong bestfriend, hindi Siya makapag-intay ng pagpupulong para ibahagi ang nasa puso Niya. Gustong-gusto Niyang kausapin ang mga nagmamahal sa Kanya. Siya ay nagbabahagi ng mga bagay na tanging ang magbestfriend lamang ang nagbabahagian at gawing bahagi ka ng Kanyang mga ginagawa. Kapag ako ay may mga meeting, ipinapaalam Niya sa akin ng mas maaga at inihahanda ako sa kung ano ang mensahe o kaya naman minsa’y pinagsasalita Niya ako sa pamamagitan ng pananampalataya ng walang preparasyon pero Siya ay magsasalita sa akin at ibibigay ang mga salita na dapat kong sabihin. Sa pasimula pa lamang, sasabihin Niya kung paano mabubuksan ang mga mata; para doon sa mga pupunta sa impyerno, may pagkakataon na Siya ay dadating at ipapaliwanag kung ano ang magaganap. Pero sa maraming pagkakataon, hindi Niya ginagawa iyon sapagkat nais Niya na mamuhay ka ng may pananampalataya at hindi ayon sa nakikita.

Nais ni Hesus na malaman mo na kapag ikaw ay nananalangin bago ka pa may gawin, gagabayan ka Niya, pangungunahan ka Niya at bibigyan ng mga istratehiya. Busilak ang pag-ibig ni Hesus. Huwag na huwag mong kalimutan kung gaano ka Niya kamahal. Huwag na huwag kang magdududa sa Kanya.

KASULATAN

Juan 3:16 “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao sa sanlibutan: ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

1 Juan 3:16 “Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: ibinigay ni Jesu-Cristo ang Kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.”

Juan 10:11 “Ako ang mabuting Pastol, at ang isang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.”

Juan 15:13 “Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang kaibigan.”

Mateo 20:28 “…magbigay ng aking buhay para maligtas ang maraming tao.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: