Paano Makapagbibigay-lugod sa Diyos (Part 1)

Mula kay Pastor Christine Coleman

“Ang Papuri ang magbibigay ng Katagumpayan!”

1. Maging mapagpasalamat

Isipin mo kung ano ang mararamdaman ng Ama kapag sinabi mong, “Nais ko lamang na makapagbigay-lugod sa Iyo aking Diyos!”

Selah… Ika’y huminto at Pagbulay-bulayan mo ito-

Naaalala mo ba noong UNA mong nakilala ang Panginoon, ang Kanyang unang haplos, unang mga salita sa iyo; ang Kanyang unang tingin…! Alalahanin mo kung paano ka Niya iniligtas sa kailaliman na inihukay ng kaaway para sa iyo! Alalahanin mo kung paano ka Niya sinagip mula sa iyong mga kaaway, mula sa iyong mga adiksyon, mula sa iyong mga demonyo, mula sa iyong mga kasalanan! Alalahanin mo kung paano ka Niya iniligtas mula sa pagkakatanggi, mga kabiguan, mula sa mababang kalagayan! Alalahanin mo kung paano Ka Niya iniligtas sa sumpa ng kahirapan, hindi pagkakaroon ng sapat at sa kakulangan. Alalahanin mo kung paano ka Niya pinatawad at sinagip sa daang papunta sa impyerno patungo sa daan papuntang langit; alalahanin mo kung paano ka Niya nilinis, niyakap, pinahiran ang iyong mga luha at binigyang-aliw. Alalahanin mo kung paano ka Niyang pinagaling at ginawa ang mga imposible para sa iyo – at nagsimulang ihalintulad ka sa imahe ng Kanyang pinakamamahal na Anak na si Hesus – ALALAHANIN MO AT HUWAG MONG KALIMUTAN!

Ngayong araw, ginising ako ng maaga ng Panginoon at nagsimulang ipakita sa akin kung ano ang nangyari sa maraming taong nakalimot sa ginawa ng Panginoon para sa kanila. Hindi nila kakayanin, hangga’t hindi nila aalalahanin! Katulad ng pag-alis ng mga anak ni Israel sa Ehipto, noong sila’y nakalimot, sila’y tumalikod at hindi nakarating sa lupang ipinangako! At sinabi ng Panginoon na sabihin sa iyong, “Alalahanin ninyo, o Aking mga minamahal na anak, at huwag ninyong kalilimutan ang mga ginawa Ko para sa inyo! Huwag ninyong kalilimutang mahal Ko kayo at namatay sa krus para sa inyo! Alalahanin ninyo at maging mapagpasalamat sa buong buhay ninyo. Ginawa ko kayong mga minamahal mula sa tinatanggihan; katanggap-tanggap mula sa hindi kaibig-ibig; mga banal mula sa pagiging makasalanan; mula sa wala, naging AKING mga BRIDES… Ibinigay Ko sa inyo ang lahat Aking mga anak – kahit na ang Aking sariling buhay. Alalahanin ninyo ang ginawa Ko para sa inyo sa buong buhay ninyo!”

Mga banal na minamahal, aking sinasabi, kahit na hindi na tayo bigyan ng kahit ano pang pabor ng Panginoon liban sa ang iligtas tayo at sagipin sa pagkakahawak ng kaaway, maging mapagpasalamat tayo sa ating buong buhay! Ngunit binigyan niya nga tayo ng mas higit pa sa kaligtasan, higit pa sa pagsagip… Binigyan Niya tayo ng MASAGANANG BUHAY! Kaya tayo ay maging at manatiling mapagpasalamat.

At ipinakita Niya sa akin – Sa spiritual realm, isang krimen na kalimutan kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin. Krimen ang magreklamo, magbulung-bulungan, at hindi marunong magpasalamat. Hindi mabilang ang mga kaluluwang napahamak dahil sa hindi marunong magpasalamat. Napakahalagang tandaan,

“At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.”
1 Mga Taga-Korinto 11

“At sila’y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.”
Mga Gawa 2:42

“Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo’y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.’
Awit 34:1-3

ANG PAGPUPURI O PASASALAMAT ANG KATAGUMPAYAN!

Hayaang ang mga iniligtas ng Panginoon na magsabing,

“LUWALHATI SA KANYA NA MATUWID!”

Abangan ang kasunod ng mensaheng ito!

(Ang artikulong ito ay isinalin sa Tagalog mula sa Ingles na : “HOW TO PLEASE GOD – PART 1” by Pastor Christine Coleman)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: